Q & A
“Hi Ms Bettinna I am a mother of two boys. Sumasakit ang ulo ko sa kulit nila kapag kasama ko sa grocery. Kung anu-ano ang pinagdadadampot. Nawawala tuloy ako sa budget. Ano kayang mainam gawin? – Mrs. Silang of QC
Medyo nagiging ganyan na rin ang aking 2 year-old na anak na si Gummy. Nasa stage kasi siya na natutuwa siya sa dami ng nakikita kapag nasa grocery kami kaya nga pati sariling push cart na maliit ay kumukuha at nagtutulak siya. Pero ang mainam lang sa kanya, dahil bago pa man dumating sa grocery ay kinakausap ko siya na isang bagay lang ang pwede naming bilhin sa lahat ng kukunin niya. Na hindi lahat ng damputin ay babayaran. Nakikinig naman siya. Siguro po ay kailangan lamang kausapin ng masinsinan ang boys mo. At marahil ay kailangan mong maging firm na kapag hindi kailangan ay hindi talaga bibilhin.
“Hello Wannabet nabasa ko ang column mo tungkol sa pag-aaral sa pampublikong paaralan. Malapit na kasing mag-high school ang panganay ko at pinag-iisipan ko kung sa pampubliko o pampribadong paaralan siya i-eenroll. Ano sa tingin mo? Hindi ko problema ang pangmatrikula. Pero baka okay rin naman ang public schools tulad ng UPIS. – Tatay of Mindoro.â€
Sa totoo lamang po, higit pa sa ganda ng paaralan o mahal ng matrikula o kaledad ng edukasyon, sa tingin ko ay mas mahalaga ang pagiging mabuti at masipag na mag-aaral. Kahit pa sa pinakamahal na unibersidad ka mag-aral kung wala kang gana at pagpapahalaga sa edukasyon ay balewala rin po ito. Gayundin sa mga nagtatapos mula sa mga kilalang unibersidad. Kung wala naman silang diskarte sa buhay hindi magiging garantiya ng success ang pinanggalingan nilang eskwelahan. May mga hindi nga nakapagtapos pero sila ang mga pinakamayayaman ngayon. Ipagdasal mo po kung saan dapat ipasok ang iyong anak.
“Bet ano ang mga alaalang nais mong balikan noong nag-aaral ka pa sa UPIS? – Jobelyn of Diliman
Napakaraming bagay na sa UP lamang mayroon. Maraming puno roon kaya masarap ang simoy ng hangin. Ang paglalakad sa may lagoon o kaya paglalaro sa Sunken Garden. Ang pagkain ng meryenda sa Casaa bago umuwi. Paborito ko roon ang pansit at melon juice. Ang fishballs at isaw ni Mang Larry. Ang pagpapa-xerox sa UP Shopping at Coop. Ang pagsakay ng Ikot at Toki kapag pabalik ka na sa pinanggalingan mo. At siyempre ang kalayaan. Sa UPIS talagang pinalaki at hinasa kaÂming magsalita at ilabas ang aming saloobin at mga opinyon. Freedom of speech at an early age. Masaya sa UP, sayang lamang at kinulang ako ng .02 points noon sa aking UPG sa UPCAT.
“Bettinna di ba gumagawa ka ng tinapay? Puwede ka bang gumawa ng nutri-bun? – Maria ng Maynila
Mabuti at nabanggit mo iyan. Pareho kayo ng nanay ko na laÂging bukambibig ang nutri-bun. Kinalakihan niya raw ito at hindi malimot-limutan ang amoy, laki, bigat at sarap. Susubukan kong gawin ito. Pero balita ko, nais itong ibalik ni Senator Grace Poe para sa feeding program ng public school students. Susubukan kong makatikim para malasahan kung paano kakapain.
- Latest