Mga kamangha-manghang bagay na nakuha sa tabing dagat (3)

ANG ‘MONTAUK MONSTER’ – Unang nalathala ang tungkol sa Montauk monster noong Hulyo 23, 2008 sa isang local na pahayagan (The Independent) sa Long Island, New York. Naglalakad umano noong Hulyo 12 sa Ditch Plain beach sina Jenna Hewitt, 26, taga-Montauk, New York at tatlo pang kaibigan nang makita ang kakaibang creature.

Ayon kay Jenna, nakita nila ang mga nagkakagulong tao sa beach. At nang tingnan nila, hindi sila makapaniwala. Anong klaseng nilikha ito na mukhang sea turtle at mukha rin namang raccoon. May nagsabing ito ay isang aso. Walang balahibo, may buntot, may pangil at parang tuka na tulad sa ibon.

Kumalat nang kumalat ang balita at mga larawan ng kakaibang creature na natagpuan sa beach. May nag-speculate na  ang creature ay mutant experiment mula sa Plum Island Animal Disease Center.  Pero sabi ng isang opisyal ng East Hampton Natural Resources Director, ang creature ay isang raccoon na nawala ang upper jaw dahil sa matagal na pagka­babad sa tubig.

Noong Hul­yo 29, 2008, ang Cryptozoo­logist na si Loren Coleman ng Cryptomundo ang unang tumawag sa creature na “Montauk Monster”.

Hanggang nga­yon, kahit sinabing sa raccoon ang natagpuang creature, marami pa rin ang nagdududa dahil sa kakaibang itsura nito.

Show comments