SINIGURO ng Philippine National Police (PNP) na handa na sila sa pagbubukas ng klase ngayong araw na ito. Magpapakalat daw ng 10,000 pulis sa paligid ng eskuwelahan para mapangalagaan ang mga estudyante. Nasa 23.8 milyong estudyante ang magbabalik-school ngayon.
Madaling sabihing “handa†pero ang inaasahan nang mamamayan particular na ang mga magulang ay ang kasiguruhan na magiging ligtas ang kanilang mga anak habang nasa school. Madaling magsalita pero ang hinihintay ng mamamayang nagsasawa na sa mga nangyayaring krimen araw-araw ay ang agarang pagkilos para hindi makapagsagawa ng anuman ang mga criminal. Sa kasalukuyan, wala nang kinatatakutan ang mga criminal. Kahit nasa harapan ng presinto ng pulis ay walang takot na isasagawa ang krimen. Kahit may pulis na nakatayo sa dako roon ay mayroong manghoholdap at mangiÂngidnap. Nalalaman na ng masasamang-loob kung hanggang saan ang kapabilidad ng pulis.
Usung-uso ngayon ang pangingidnap ng mga bata. Nitong nakaraang buwan, sunud-sunod ang pagkawala ng mga bata na ang edad ay walo hanggang 10 taong gulang. Sinasalisihan ang mga magulang at kapag nakalingat, dadagitin ang bata. May nangyayaring pangingidnap sa loob mismo ng mall, may sa harap mismo ng bahay at merong mga sanggol na habang nasa ospital (kapapanganak pa lang) ay ninanakaw na. Marami nang nangyaring ganito. At masakit mang sabihin, hindi nalulutas ng PNP ang mga gjnagawang pangingidnap.
Kung sa mga mall at sa harap ng bahay ay nagagawa ang mga masasamang balak sa mga bata, mas lalong magagawa ito sa paaralan. Madaling madadagit ang mga bata sa pamamagitan ng pananakot. Iglap lang, tangay na ng sindikato. Magugulat na lamang ang mga magulang sapagkat ang susunduing anak sa school ay wala na pala.
Ipakita ng PNP na kaya nilang bigyan ng seguridad ang mga estudyante. Tuparin ang pina-ngakong police visibility. Hindi sana ningas-kugon sa pagtupad ng tungkulin. Ipakita nila na kayang protektahan ang mamamayan at higit sa lahat ang mga mag-aaral.