BUONG akala ni Pac ay patay na sina Tanggol makaraang sumabog ang bomba na itinanim sa kamalig. Tinext sa kanya ng tauhang nagpasabog (gamit ang cellphone) na wasak na wasak ang kamalig at walang natira sa mga nasa loob niyon.
Dahil doon, masayang-masaya siya. At lalo pa ngang naging masaya nang malaman na pumapayag na si Jinky sa anumang kagustuhan niya. Sa wakas ay hindi na siya mahihirapan sa pakikiusap kay Jinky. Magagawa na niya ang lahat nang gugustuhin sa babaing matagal na niyang pinagnanasaan. Noon pa siya nanggigigil sa babaing ito.
“Dahil payag ka na sa gustÂo ko, ikaw na ang magiging rey-na sa nasasakupan ko. Ikaw na ang mamamahala ng mga negosyo ko,†sabi ni Pac haÂbang pinagmamasdan ang katawan ni Jinky. Naglalaway na siya. Mistulang ulol na aso.
“Alam ko malaki rin itong kabuhayan mo, pero mayroon pa bang lalaki sa pag-aari ko. Halos ako na ang buong may-ari ng Bgy. Ningning. Baluarte ko na iyon. Walang ibang nakakapasok dun na hindi muna hihingi ng permiso. Ikaw na ngayon ang Reyna ng Ningning, he-he!’’
Hindi nagsasalita si Jinky. Hinayaan niyang magsalita nang magsalita si Pac at kapag tiwalang-tiwala na, saka niya gagawin ang balak. Aagawin niya ang baril at puputukan niya. Sisiguruhin niyang mapapatay ang demonyo. Kapag hindi niya ito napatay, siya ang tiyak na papatayin.
“Bakit bigla kang natahimik, Jinky? Ayaw mo ba nang iniaalok ko?’’
“Gusto.’’
‘‘Yun naman pala eh. Tama ang desisyon mo, Jinky. Ikaw na nga ang Reyna ng Ningning, ha-ha-ha!â€
Pagkatapos iyon ay hinarap na ni Pac ang matagal nang pinagnanasaan --- ang magagandang boobsie ni Jinky.
Pinagmasdan ni Pac ang dalawang umbok. Perpekto. Dinama. Wow.
Nang hindi na makapagÂpigil ay nagmistulang sanggol si Pac. Naakit sa magandang “tsupon†na nakabitin. Naging abala na siya sa magagandang tsupon.
Naging malikot ang mga mata ni Jinky. Nasa baywang ni Pac ang baril!
(Itutuloy)