First-Aid Kit: Mura at kumpleto

BAKIT kailangang maghanda ng first-aid kit? Una, magkakaroon ka ng kumpiyansa sa sarili at gaganda ang iyong pakiramdam. Pangalawa, kapag nakita ng maysakit na mayroon kang first-aid kit, mas kakalma ang kanyang pakiramdam.

Gumawa ng sariling First-Aid Kit:

Bumili ng plastic box na parang lunch box ng bata. Ilagay ang mga gamit na ito.

Sterile dressing at gasa (gauze pads). Ang malinis na gasa ay tinatapal sa ibabaw ng nakabukang sugat. Kapag malakas ang pagdurugo, magtapal ng maraming gasa at diinan ito maigi ng 10 to 15 minutes. Gawin ito hanggang huminto ang pagdurugo.

Benda (Bandages). Ginagamit ang bandage para sa napilayan. Puwede din ang benda sa malalang sugat na kailangang pigilan ang pagdurugo.

Safety pins, para ipirme ang bandage.

70% rubbing alcohol, para linisin ang mababaw na sugat at para linisin ang iyong kamay.

Povidone-iodine. Napakabisa nito para maglinis sa lahat ng klaseng sugat.

Cotton buds at cotton balls.

Band-aids, para sa maliit na sugat.

Gunting na mabilog ang dulo. Ang pabilog na dulo ay para ligtas ang pagputol mo ng gasa o benda at hindi makasugat sa balat.

Medikal na tape, para pandikit sa balat.

Ice bag o isang bag na nilalagyan ng yelo at tubig. Ginagamit ito para sa kagat ng insekto, pamamaga, pilay at para mabawasan ang lagnat.

Sabon na panlinis ng sugat.

Thermometer, para ma-check ang temperatura.

Tweezers na pambunot ng mga salubsub na sugat.

Flashlight o penlight, para masuri ang sugat o bibig ng pasyente.

Gloves, para maprotektahan ang sarili bago humawak sa biktima.

Face mask, para maiwasan na matalsikan ng dugo.

18.  Lista ng emergency phone numbers, tulad ng numero ng iyong doktor, malapit na ospital at ambulansya.

19. Ang mga pinapahid na gamot tulad ng (1) Burn gel o ointment, (2) anti-itch ointment, at (3) Calamine lotion.

20. Puwede ding magbaon ng mga mahahalagang gamot tulad ng (1) Paracetamol 500 mg tablets para sa lagnat o kirot, (2) Amoxicillion 500 mg capsule, 3 beses sa maghapon, bilang antibiotic, (3) Loperamide tablets para sa pagtatae, at (4) Loratadine 10 mg tablet para sa allergy. Maging maalam sa first aid.

 

Show comments