“HINDI ka na aabutan ng dalawang buwan na gaga ka, makikita rin kita.â€
Ganitong pagbabanta umano ang natanggap na text ni Fely Abella Mansing, 32 taong gulang, tubong San Manuel Isabela. Ang pinaghihinalaan na nagpadala ng mensaheng ito ang katrabaho niya na si Analyn Failagutan, 38 taong gulang. Unang napadpad sa Maynila si Fely noong 17 anyos pa lamang. Sinama ng kanyang kapitbahay na si Jovito Sermonia sa tinitirhang bahay dahil wala ng magulang kaya sumama si Fely. Namatay sa panganganak ang kanyang ina at namatay naman ang kanyang ama matapos masaksak noong 2007. Pinag-aral siya ng kanyang lolo’t lola at nakapagtapos hanggang high school.
Pag-aalaga ng bata ang kanyang unang naging trabaho sa tinitirahang bahay na si Jovito. Tatlong libo’t limang daang piso (3,500PhP) ang sweldo kada buwan at dahil mabait ito, sila na umano ang nagpapaaral sa kanyang kapatid na bunso na kasama rin niya roon. Ilang taon makalipas, bumalik sila sa Isabela sa kagustuhan ng kapatid na umuwi. Taong 2005, nang una siyang naging ‘house girl’ sa bagong amo. Tatlong taon ang kanyang pagsisilbi roon. Di nagtagal ay nagpasya siyang makipag live-in kay Eddie Trogon. Naging mapusok ang kanilang relasyon kaya limang buwan palang silang nagsasama nabuntis agad si Fely. Sa kasamaang palad ay naghiwalay din sila dahil sa pambababae nito.
Sampung buwan pa lamang ang bata nang iniwan niya ang pangangalaga nito sa kanyang lolo’t lola at nagtrabaho naman si Fely sa isang among Tsinoy. Noong 2011, nagtrabaho naman siya sa Makati bilang yaya hanggang sa kasalukuyan. Dito niya nakilala si Analyn. Naging maganda ang kanilang pakikitungo sa isa’t-isa. Makalipas ang tatlong buwan, umalis si Analyn ng walang paalam. Nitong 2013, umalis ang isa pang kasambahay.
“Kinailangan pabalikin siya ng amo ko dahil okay naman siya,†wika ni Fely.
“Mahigpit ang bilin ng aming amo na hindi pwedeng iwan ang aming mga alaga ng walang paalam,†paliwanag ni Fely.
Biyernes, Ika-17 ng Mayo, umalis si Analyn ng walang pasabi. Ipinabantay niya ang alaga niyang 4 na taong gulang sa labandera. Ang ginawa ni Fely tinext niya yung amo niya at ipinaalam ang ginawa nitong si Analyn. Bumalik si Analyn matapos ang isang oras. Pag-uwi ng kanilang amo, sinermonan nito si Analyn at pinalayas na kinabukasan. Bago umalis itong si Analyn nag-iwan muna ito ng isang banta, “Malaman ko lang kung sino ang nagsumbong sasaksakin ko yan! Talagang makakapatay ako,†pananakot umano ni Analyn. Kwento ni Fely, paulit-ulit niyang binabanggit ang mga katagang ito. Noong ika-19 ng Mayo, tinext siya ni Analyn at sinabing, “Dalawang oras na kami dito ng asawa ko sa labas ng condo, humanda ka!†Na-alarma na si Fely dahil sa masamang balak ng mag-asawa sa kanya. Patuloy pa rin ang pagbabanta sa buhay ni Fely sa pamamagitan ng ‘texts’ na laman ay puro pambabastos. Pati raw ang kanyang anak dinadamay na.
“Matapang siya magbanta kasi security guard ang asawa niya sa Lucena City Jail,†pahayag ni Fely. Mataray at matapang ang paglalarawan ni Fely kay Analyn ngunit ayon sa kanya, ganito din daw ang mga sinasabi nito sa mga kapwa niyang kasambahay.
“Hindi lang naman ako ang inaaway niya, yung ibang mga nakatrabaho niya nun nakairingan na rin niya…†wika ni Fely.
Itinampok namin si Fely CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN). SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, pinayuhan namin si Fely na ipa- ‘blotter’ niya itong si Analyn para matigil na siya sa kanyang ginagawang pananakot. Kapag pinagpatuloy pa rin niya ang pagte-‘text’, maaari niya itong sampahan ng kasong ‘Threats’ at ‘Unjust Vexation’. Tungkol naman sa pagdamay at mga sinasabi nitong masasakit na salita sa kanyang anak, maaari niya itong kasuhan ng ‘Slander in relation to R.A. 7610 o ‘Child Abuse’.
Sa huli naming pakikipagusap kay Fely, sinabi niya sa amin na naipa-blotter niya na itong si Analyn. Handa rin kaming tulungan siya na bigyan ng libreng abogado kapag nagdesisyon siyang magsampa ng kaso. (KINALAP NI DIMPLE LEONARDO)
Sa mga gustong dumulog para sa kanilang probleÂmang legal, ang aming mga numero 09213263166 (Chen) / 09213784392 (PaulineÂ) / 09198972854 (Monique)/ 09067578527 (Carla). Ang aming Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Maaari rin kayong magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami Lunes hanggang Biyernes.