ANG inaani natin sa pagtatanim ng galit ay migraine, alta presyon, walang gana sa pagkain, muscle tension at mahinang konsentrasyon. Kung tutuusin ay marami pang perwisyo ang dulot ng pagtatanim ng galit lalo na kung matagal na itong namamahay sa puso ng isang tao.
Isang medical research study ang ginawa sa Stanford University 15 taon na ang nakakaraan. Ito ay tinawag na Stanford Forgiveness Project. Ang pagpaÂpatawad ay hindi lang tungkol sa pag-aayos ng nasirang relasyon kundi tungkol sa kagandahang dulot nito sa kalusugan ng tao.
Hindi na kailangang hintaying humingi ng tawad ang isang nagkasala para siya patawarin. Kung ito ang hihintayin mo ay baka uugud-ugod ka na ay hindi pa rin nagsosori ang iyong kaaway. Kadalasan ay hindi sila maÂrunong humingi ng tawad dahil sa “prideâ€. Hindi na kailangang magkamay para sabihing nagkapatawaran na kayo. Basta’t ang magagawa mo lang ay kalimutan ang nangyari… and feel good about yourself. Tapos ang kuwento.
Base sa resulta ng medical research, narito ang magandang naidudulot ng pagpapatawad:
1. Nababawasan ng 50 percent ang stress na nadarama.
2. Mas mahimbing ang tulog.
3. Bumababa ang tsansang magkasakit sa puso o kung may sakit na ay bumababa ang tsansang atakihin sa puso.
4. Nagiging matatag/malakas ang nervous system.
5. Nakakapagpababa ng blood pressure.
6. Bihirang pagsakit ng ulo at tiyan.
7. Mas mababang tsansa ng depresyon.
8. Lumalawak ang pang-unawa dahil sa positibong pananaw.