NALAGASAN na naman ng pitong sundalo ang Philippine Marines matapos makiÂpagbakbakan sa Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu noong Sabado. Ang masaklap, maÂtagal nang idineklara nang mga nakaraang administrasyong Estrada at Arroyo na nadurog na ang bandidong grupo. NaÂpatay pa ng military ang spokesman ng grupo na si Abu Sabaya.
Pansamantalang nanahimik ang Sayyaf ng ilang buwan at sinabi ng militar na napilayan na ang bandido. Pero bumalik ang Sayyaf sa pangingidnap at ang pinakahuling biktima ay isang Australian na pinalaya rin dahil nagbayad umano ng ransom.
Panahon na upang aminin ng AFP na nahihirapan silang labanan ang Sayyaf. Karamihan sa mga bandido ay may kamag-anak na sibilyan at ang iba ay nakikisalamuha lang sa pangÂkaraniwang mamamayan.
Ang Sayyaf ay katulad din ng New People’s Army na hindi rin masugpo. Sana naman kung hindi masugpo at maubos ng militar ang Sayyaf ay mapigilan man lang ang pangingidnap. Kailangang kunin ng AFP ang tulong ng local government units at mamamayan upang malipol ang Sayyaf.
Ang pinakaugat nang pamamayagpag ng Sayyaf at NPA ay ang kahirapan lalo na sa mga liblib na probinsiya. Sana, malunasan ng gobyerno ang kahirapan sa mga kanayunan. Kapag nalunasan, mawawala na ang mga bandido at rebelde.