^

Punto Mo

6 na Palatandaan … na ang boyfriend mo ay magiging mabuting ama:

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Maganda ang relasyon niya sa kanyang ina. Mabait siya sa kanyang ina dahil pinalaki siya nito nang maayos kaya ang resulta ay alam niya kung paano makisama sa isang babae.

Maalaga sa kanyang mga kapatid, lalo na sa mga nakababata sa kanya.

Matibay ang sikmura at hindi madirihin. Bahagi ng pagiging magulang ang maglinis ng ebak ng kanyang anak na sanggol. Kung maarte ang isang lalaki na kaunting bagay lang ay nadidiri na, asahan mong sa iyo niya ipapasa ang mga “dirty jobs”  sa pag-aalaga ng mga anak. Hati kayo sa sarap pero solo mo ang hirap. That’s unfair!

Mabait na Uncle. Kung mabait siya sa anak ng iba, how much more sa magiging anak niya?

Pumapayag na utus-utusan mo siya. Mag-ingat sa lalaking naaasar kapag inuutusan mo o sinasabihan kung ano ang dapat gawin. Siguradong mataas ang pride niyan at sarili lang kagustuhan ang gagawin niya.

Pasensiyoso sa kakulitan ng ibang bata kahit hindi niya kakilala. May mga taong mabait lang sa anak ng mga kamag-anak niya pero masungit sa batang hindi niya kakilala. Sa mga batang makukulit na hindi niya kaanu-ano masusubukan ang haba ng kanyang pasensiya.

vuukle comment

ANAK

BAHAGI

HATI

MAALAGA

MABAIT

MAGANDA

MATIBAY

NIYA

PASENSIYOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with