ALAM n’yo bang ang samples ng alikabok na nakuha sa Buwan 40 taon na ang nakalilipas ay nawala at kailan lamang natagpuan? Narekober ng archivist na si Karen Nelson ang mga vials na nagtataglay ng alikabok na kinuha ni Neil Armstrong nang lumanding sa buwan noong 1969. Natagpuan ang mga sample sa Lawrence Berkeley National Laboratory.
Ayon sa report, nang dumating ang tatlong astronauts na sina Armstrong, Edwin Aldrin at Michael Collins mula sa buwan, ang mga nakuha nilang sample ay ipina-dala sa 150 laboratories sa buong mundo para pag-aralan.
Ang hindi malaman ay kung bakit humantong sa storage ang mga samples. Ayon sa report, tila nawalan ng interes ang mga scientist na pag-aralan ang mga sample at itinago na lang hanggang sa makalimutan.
Ngayong natagpuan ang sample ng alikabok maaari ipagpatuloy ang pag-aaral dito.