^

Punto Mo

‘Pulis, libre sa pamasahe (?)’

- Tony Calvento - Pang-masa

‘ANG pulis tumatakbo para makapanghuli…may pulis naman na tumatakbo para hindi mahuli…’

“Kapag sinisingil ko siya, lagi niyang sinasabi na wala siyang pera. Nung nagbayad naman dalawang libo’t limang daang piso lang. Malaki pa ang kulang,” simula ni Rowela.

Una naming naisulat sa aming pitak ang kwento ni Ma. Rowela M. Blacquio, 33 taong gulang nakatira sa Taguig. Pinamagatan namin itong ‘Pulis na matalas (?)’. Inirereklamo ni Rowela ang isang Pulis-Taguig na si SPO1 Napoleon Tongco. Ayon sa kanya nagpabili umano ito noong Oktubre 2010 ng apat na ‘plane ticket’ papuntang Tacloban, Leyte. Dalawampu’t anim na libong piso ang kabuuang halaga nito. Ilang ulit na siningil ni Rowela si SPO1 Tongco ngunit hindi ito sumasagot sa kanyang tawag at text. Naisip ni Rowela na magsampa ng kasong ‘Grave Misconduct’ (Threat) at ‘Simple Misconduct’ (non-payment of debt) sa Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) Camp. Crame noong Ika-30 ng Enero 2012. Nakipagkasundo si SPO1 Tongco kay Rowela na magbabayad siya subalit may kondisyon, kailangang gumawa ni Rowela ng ‘Affidavit of Desistance’ na hindi niya sinang-ayunan. Dininig ang kaso at noong Agosto 29, 2012 lumabas ang desisyon. Pirmado ito ni Police Director Alan La Madrid Purisima. ‘Dismissed’ ito dahil hindi umano hawak ng PNP-Taguig ang ganitong uri ng kaso. Bilang agarang aksiyon at sa kagustuhan na ring mabawi ang pera, agad nag-file ng ‘Motion for Reconsideration’ si Rowela subalit hanggang ngayon wala pa ring resolusyon. Hindi lamang ang pagpapabili ng plane ticket ang naging akusasyon ni Rowela kay SPO1 Tongco. Hiniling din umano ni SPO1 Tongco noong July 2011 kay Rowela na siya ang magbayad ng pagpaparehistro ng kotse nito sa Land Transportation Office (LTO).

Sa laki na rin ng inilabas na pera ni Rowela hindi siya tumigil sa pagtawag at pagtetext kay SPO1 Tongco para singilin ito. Ang naging resulta… nag-reply umano ito ng hindi magagandang salita at mga pagbabanta. Maging sa kanyang ‘facebook account’ ay nag-upload din daw ito ng malalaswang mga larawan at ‘sex videos’. Tulad ng aming ipinangako at upang maging patas ang aming pamamahayag narito ang panig ni SPO1 Tongco sa reklamo sa kanya ni Rowela batay sa kanyang salaysay sa PNP. Itinatanggi niya ang lahat ng alegasyon sa kanya ni Rowela na nakasaad sa sinumpaang salaysay nito. Inamin niyang nanghiram siya ng pera. “Binayaran ko na siya sa pamamagitan ng LBC remittance,” sagot ni SPO1 Tongco. Ang reklamong ito ay upang manggulo lamang. Si Rowela ay nagkaroon ng pagtatalo sa asawa ni SPO1 Tongco dahil siya’y nagseselos. Hindi na siya sumagot pa para makaiwas sa gulo.

“Si Ms. Blacquio at ako ay naging magkaibigan at siya’y na-ging komportable sa akin,” ayon sa salaysay. Patuloy umano ang pagtetext at pagtawag ni Rowela sa kanya at sa huli nagsimula na siyang di maging komportable sa sitwasyon kaya iniiwasan niya ito. Nagalit at gumawa ng paraan si Rowela at naisip na mag-file ng ‘administrative case’ laban sa kanya. “Mariin kong itinatanggi ang mga alegasyon ni Ms. Blacquio tungkol sa mga text messages na nakakasakit at tinatawag niyang ‘pambabastos’. Hindi ko alam ang bagay na yan at ang nangyari ay ang asawa ko ang humawak ng aking cellphone para maharang ang mga mensahe ni Ms. Blacquio at siya’y nagalit,” paliwanag ni SPO1 Tongco mula sa kanyang kontra-salaysay. “Huli na nang malaman ko ito dahil nagpalitan na sila ng masasakit na salita. Nagpaliwanag ako sa aking asawa at sinabihan siyang huwag nang magreply sa mga text ni Ms. Blacquio,” ayon kay SPO1 Tongco. Itinatanggi niya din ang akusasyon ni Rowela tungkol sa panghaharass sa kanya sa facebook. “Alam natin na ang miyembro ng isang social networking site ay inilalantad ang kanyang sarili sa kapahamakan ng ‘hit mail’ o mga mensahe mula sa kung sino mang hindi kilala. Kahit sino ay makakapaglabas ng email account ng may pangalan ng iba ng walang berepikasyon at restriksiyon,” paliwanag ni SPO1 Tongco.

PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag, tumawag kami sa Southern Police District Station 6 kung saan naka-assign si SPO1 Tongco upang hingin ang kanyang panig ngunit tumanggi siyang magbigay ng pahayag. Wala daw siyang interes na sagutin ang mga ibinabato sa kanya ni Rowela. Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang istoryang ito ni Rowela.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung totoo ang nilalaman ng iyong salaysay SPO1 Tongco, una ang tungkol sa pagbabayad mo ng iyong hiniram na pera at ang pag-iwas mo lang na magkaroon kayo ng problema ng asawa mo, ito’y magandang (?) dahilan dahil baka ka maipit. Kung wala ka ngang itinatago bakit di ka lumantad? Sabi mo bayad ka na maari bang ipakita mo ang resibo ng LBC o ‘acknowledgment receipt’ nitong babae na tinanggap niya ang iyong pera? Two thousand five hundred ang ipinadala mo, malayo sa utang mong mahigit sa P25,000. Ang paggamit mo sa asawa mo na nagseselos at maaring sila ang nagpalitan ng mensahe ay isang uri ng ‘proxy war’. Gumagamit ka ng iba para sa isang away na ikaw ang dapat humarap.

Kinausap ko si P/Dir. Gen Alan Purisima upang i-follow up ang utang na iyong umano’y iniwan para malaman naman niya kung bakit nasisira ang imahe ng PNP sa mata ng tao. Baka siya hindi mo matanggihang kausapin. Pinayuhan din namin itong si Ro-wela na magsampa na rin ng kasong ‘Collection of sum of money’ sa Taguig City at dun magharap kayo at hayaan natin ang hukom na magdesisyon. 

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Chen). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

 

MS. BLACQUIO

PARA

ROWELA

SIYA

SPO1

TONGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with