‘Bitag ni Kamatayan’

ISANG linggo na lang, balik-eskwela na naman ang mga mag-aaral! Inaasahang siksikan at punuan na naman ang mga dormitoryo at boarding houses na nakapalibot sa mga pampubliko at pampribadong mga kolehiyo at unibersidad sa Kamaynilaan!

Hindi na ito bagong senaryo sa mga mag-aaral. Sanay na rin ang iba’t ibang ahensyang nangangasiwa sa mga paupahan gayundin ang nakakasakop na lokal na pamahalaan sa ganitong set up at kalakaran.

Nitong mga nakaraang taon, maraming insidente ng sunog at mga kauri nitong aksidente ang naitala ng Bureau of Fire Protection. Pero sa kabila ng istriktong kampanya ng ahensya sa mga safety and precautionary measures, marami pa rin ang nasusumpungang lumalabag sa mga ipinatutupad nilang patakaran. Ito tuloy ang nagiging bitag ng ilang mga mag-aaral sa kanilang maagang kamatayan!

Kahapon, naglabas ng mandato ang Malacañang tungkol sa inspeksyon sa mga paupahan partikular sa mga dormitoryo sa mga paaralan. Ayon sa direktiba, kailangang suyurin at siguraduhin ng BFP at lokal na pamahalaan na nakakasunod sa New Building Code ang bawat paupahan.

Ibig sabihin, obligado ang mga dormitoryo na mayroong  fire exit, fire extinguisher higit sa lahat mayroong mga kaukulang permit mula sa BFP at lokal na pamahalaan katunayan na may karapatan silang mag-operate sa lugar.

Pinapaalalahanan ng BITAG ang mga magulang at mga mag-aaral, siyasatin at suriing mabuti ang inyong mga tutuluyang dormitoryo ngayong pasukan upang hindi ma-BITAG ni Kamatayan!

Manood at makinig sa Bitag Live! sa Radyo 5 at AKSYON TV sa Channel 41 araw-araw.  

 

Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4. 

• • • • • •

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text message sa 09192141624 o mag-email sa bahalasitulfo@hotmail.com o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Show comments