May isang ‘Winner’

1831—Nalugi sa negosyo

1832—Natalo sa legislature

1835—Namatayan ng fiancee

1836—Sa sobrang kalungkutan, nagkaroon siya ng nervous breakdown.

1836—Natalo sa eleksiyon

1843—Natalo sa US Congress

1846—Natalo ulit sa Congress

1848—Walang kadala-dala, tumakbo ulit sa Congress at natalo na naman!

1855—Natalo sa US Senate

1856—This time, US Vice President ang tinakbuhan, pero natalo na naman.

1858—Natalo sa US Senate

Summary ng buhay ni Abraham Lincon ang inyong nabasa. Wala siyang kapaguran na sumubok nang sumubok. Salamat na lang at wala sa bokabularyo niya ang salitang “suko” or “quit” dahil kung pinaghinaan siya ng loob pagkaraan ng  labing-isang beses na kabiguan, aba…hindi niya makakamit ang tagumpay.

1860—Si Abraham Lincoln ay inihalal ng Presidente ng mga mamamayan ng United States of America.

Siya ang nagpatunay na ang mga nagtatagumpay ay ‘yung hindi marunong sumuko. Tama lang ang kasabihang: Try and try until you die. Kamatayan lang ang magpapahinto sa iyo upang itigil ang pagsusumikap.

Show comments