Pantanggal ng “stain†sa kuko:
• Hatiin ang lemon. Ang kalahati ay itago sa refrigerator for future use. Ang natirang kalahati ay hatiin sa apat. Ito ang direktang ikuskos sa mga kuko na nanilaw sa sobrang dalas ng paglalagay ng cheap cutex o dahil sa paninigarilyo.
• Kung hindi ka pa satisfied sa kaputiang idinulot ng lemon sa iyong kuko puwedeng haluan mo ang lemon juice ng baking soda hanggang sa magmukha na itong paste. Ito ang ipahid mo sa iyong kuko at i-brush gamit ang nail brush. Isang beses lang kada linggo mo ito gagawin dahil nakakalutong ng kuko ang baking soda.
Pabanguhin ang inyong kusina:
Pagkatapos magluto ng daing, tuyo at bagoong, pabanguhin ang kusina sa pamamagitan ng pagpapakulo sa sauce pan ng tubig na may balat ng orange, lemon, cinnamon bark, vanilla essence, star anise. Hayaang kumulo ng 20 minutes. Bantayan at baka matuyuan ng tubig ang sauce pan, sunog naman ang poproblemahin ninyo.
Pag-idlip sa hapon:
Ang pag-idlip ng ilang minuto sa bandang hapon ay nagpapaunlad ng memorya at nababawasan ang tsansa na magkasakit sa puso.
Pampaliit ng tiyan/bilbil
Ang pagkaing mayaman sa vitamin D ang makakatanggal ng 80 percent belly fat. Magkakaroon ng katuparan ito kung dadamihan ang pagkain ng green leafy vegetables. Ang iba pang pagkain na mayaman sa vitamin D ay mackerel, salmon, oyster, soy products, itlog, gatas fortified with vitamin D, shitake mushroom.