KINABUKASAN, paalis na sina Tanggol, Mulong at Raul. Handang-handa na sila. Pero nang aalis na, nagbago ang isip ni Tanggol at inutusan si Mulong na huwag nang sumama.
“Dito ka na lang Mulong, mas mabuting may kasama sina Mam Jinky.â€
“Sige Tanggol. Walang problema.â€
Pero pinigil ni Jinky ang plano ni Tanggol.
“Ipagsama mo na si Mulong, Tanggol. Kaya naman namin ni Tina at iba pang narito na ipagtanggol ang aming sarili. Mas mabuting kasama si Mulong para mas malakas ang puwersa n’yo.’’
“Pero, nag-aalala ako, Jinky.’’
‘‘Huwag mo akong alalahanin. May baril naman ako. Bago sila makalapit dito, bubulagta sila.’’
“Kung iyon ang pasya mo, sige itutuloy na namin ang pagpasok sa lungga nina Pac.’’
“Kapag natiyak na ninyo na isa palang gawaan ng droga ang kanyang itinatagong lugar, itext mo sa akin at kokontak ako ng drug enforcement agency para masaklolohan kayo. Kailangang matiyak n’yo Tanggol.’’
“Oo Jinky. Sisiguraduhin muna namin bago magpaayuda sa PDEA.’’
‘‘Mag-ingat kayo, Tanggol. Makokonsensiya ako kapag may nangyari sa inyo. Lalo sa’yo Tanggol.’’
“Salamat, Jinky.’’
“Kailangan n’yo bang magdala ng armas?â€
“Hindi na. Sapat na ang nalaÂlaman namin sa martial arts. Di ba Mulong at Raul?â€
“Yes Sir!†Sagot nina Mulong at Raul.
“Sige, Jinky. Kapag natapos ang problemang ito, mayroon akong mahalagang sasabihin sa’yo.’’
“Ano Tanggol?â€
“Saka na lang. Kapag natapos na ang problema.â€
“Sige Tanggol, hihintayin kita.’’
Umalis na ang tatlo.
Isang matarik na bundok ang inakyat nila. Ayon kay Raul, nasa kabila ng bundok ang barangay na kinaroroonan ng headquarters ni Pac.
“Anong barangay, Raul?â€
“Barangay Ningning.’’
“Madali bang hanapin?â€
“Pagbaba natin ng bundok na ito, may isa o dalawang kilometro pang lalakarin.â€
“Sige. Bilisan natin.â€
Inakyat nila ang bundok. Matarik. Maputik ang pag-akyat sapagkat umulan nang nagdaang gabi.
Kung mahirap ang pag-akyat, mas mahirap pababa sapagkat madulas. Kung hindi sila nakapagdala ng lubid, baka dumausdos sila pababa at magtuluy-tuloy sa bangin.
Nang makababa sa bundok lakad uli. Nakatirik na ang araw nang marating nila ang malawak na palayan.
Sa gitna ng palayan ay isang kamalig o ang kanilang nakita. May chimney.
“Iyan na kaya ang shabu lab, Raul?â€
“Baka iyan nga po, Sir Tanggol.†(Itutuloy)