Practical Tips

1) Pantanggal ng balakubak:

Haluing mabuti ang pinagsamang 2 kutsarang Baking Soda at 1 cup tubig. Shake to mix. Pagkatapos mag-shampoo, ibuhos sa anit ang baking soda mixture. Imasahe ang ulo. Banlawan ang buhok.

2) Pampababa ng alta presyon:

Mas mainam na pasas ang miryendahin dahil nakakatulong ito para bumaba ang blood pressure. Mayaman ito sa anti-oxidants at potassium.

3) Pampakintab ng sahig:

Puwedeng pampakintab ng tiles at stainless steel sink, kitchen utensils, etc. Try this recipe...1 c water, 1 c vinegar, 1c alcohol, 2-3 drops dishwashing soap

Haluing mabuti. Ilagay sa tuyong basahan at ito ang ipunas sa sahig at stainless steel equipment

4) 5 Pakinabang sa Mansanas

Napapanatiling fresh ang cake. Itago ang natirang cake kasama ng kalahating mansanas. Pananatilihin nitong moist at fresh ang amoy ng cake.

Kapag mag-iihaw o magtu-turbo ng isang buong chicken, palamanan ito ng hiniwang mansanas upang hindi maging dry ang manok. Magbibigay din ito ng flavour at masarap na amoy.

Maglagay ng ilang hiwa ng mansanas sa tumigas na brown sugar, Hayaan ito ng 2 araw hanggang sa manumbalik sa normal ang asukal.

Ihalo ang mansanas sa hilaw na kamatis upang mahinog kaagad ito. Pagsamahin sila sa isang supot o container na may takip.

Kung napaalat ang timpla ng inyong nilulutong soup, lagyan ito ng ilang hiwa. Hayaang sipsipin ng mansanas ang alat. Tanggalin ang mansanas pagkatapos ng 10 minutes.

Show comments