Bakit hindi nakalilipad ang Penguin?
PINAG-AARALAN ngayon ng isang team ng scientists ang dahilan kung bakit hindi nakalilipad ang penguin. At nahiÂhirapan nilang matukoy ang dahilan.
Sa ngayon ang nakikita nilang kaÂsagutan ay ang kahusayang lumangoy o mag-dive ng penguin. Hindi nga marunong lumipad ang penguin subalit napakagaling namang sumisid.
Ayon pa sa mga scientist, pinag-aaralan nila ang iba pang species ng seabirds at baka matukoy nila ang dahilan kung bakit hindi makalipad ang penguins. Susuriin umano nila ang pakpak ng mga ito, sabi ng ornithologist na si Robert Ricklefs. Â
* * *
Honeybees, tuturuang humanap ng landmines
TINUTURUAN ng Croatian researchers ang mga pukyutan (honeyÂbees) para maghanap ng landmines na hindi sumabog.
Umano’y nasa 750 square kilometers ng minefields ang nasa border ng Croatia. Sa dami ng landmines, mahihirapan silang hanapin ang mga ito kaya naisipan ng researchers sa Zagreb University na turuan ang mga pukyutan na maghanap dito.
Ayon sa reserachers, ihahalo nila ang sugar sa TNT. Kapag napamilyar ang pukyutan dito, madali nang maaamoy ang kinaroroonan ng landmines. “Our basic conclusion is that the bees can clearly detect this target, and we are very satisfied,†sabi ng isang propesor ng Zagreb University.
- Latest