^

Punto Mo

Estipona, hindi kumikilos sa mga pasugalan sa Calabarzon

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

SINO si Bienvenido Salandanan alias Ben?

Si Salandanan mga kosa ay taga-Bgy. San Antonio, Biñan, Laguna. Jobless si Salandanan at alam ‘yan ng mga kapitbahay at kakilala n’ya. Ang ipinagtataka nila, libu-libo ang kinukubra ni Salandanan tuwing “petsahan” sa isang money transfer shop sa Biñan. Ang “petsahan”, sa linggo ng gambling lords ay ang petsang 7, 15, 22 at 30 o 31 ng buwan. Kung walang trabaho si Salandanan at wala ni isa mang miyembro ng pamilya ang nasa abroad, saan galing ang pera na tinatanggap niya? Siguro dapat silipin ni BIR Commissioner Kim Henares kung anong bertud meron si Salandanan at marami siyang tinatanggap na pera mula sa money transfer shop. Baka hindi siya nagbabayad ng buwis at dapat makulong, di ba mga kosa? Nakabungkal kaya ng ginto si Salandanan?

May nakapagsabi naman sa akin sa Calabarzon, na itong si Salandanan ay sangkot sa operation ng illegal na pasugalan sa hurisdiksiyon ni PRO4-A director Chief Supt. Benito Estipona. Puwede, di ba mga kosa? Kung sabagay, open na ang operation ng jueteng, hindi lang sa Calabarzon kundi maging sa iba pang lugar sa bansa. At katunayan humahangos na nagbalita sa akin ang isa kong kosa na P800,000 weekly ang tinatanggap ng PRO4-A mula sa bookies ng Small-Town Lottery (STL). Totoo kaya ito mga kosa? At sa ngayon, mukhang hindi naman kumikilos si Estipona na ipasara ang pasugalan sa hurisdiksiyon n’ya. Get’s n’yo mga kosa?

Maging si Sr. Supt. Pedro Cabatingan, ang hepe ng CIDG sa Region 4-A ay tahimik na rin laban sa pasugalan. Sa unang mga araw ni Cabatingan sa CIDG, para siyang tigre sa kaliwa’t kanang raid sa mga pasugalan. Subalit tahimik siya ngayon. “Oplan Pakilala” lang kaya itong panghaharabas ni Cabatingan laban sa ilegal na pasugalan? Ang tsismis ngayon, may tinatanggap mula sa gambling lords si Cabatingan. Owww!

Kung si Cabatingan ay natsismis na take nang take sa illegal gambling, maging si CIDG director Chief Supt. Francisco “Tsunami” Uyami ay di rin nakaiwas sa tsismis. Ano ba ‘yan? Bumitaw na kaya si Uyami sa “no take, no contact” policy na iniutos sa kanya ni DILG Sec. Mar Roxas? Ang balita pa mga suki, ang mga kolektor ni Tsunami sa ngayon ay mga bataan ni Col. Ariza na sina Robert Eblahan, Resty Tudillo, Jojo Cruz at John Claro, he-he-he. Baka black propaganda lang ito?

Ang tanong sa ngayon, nasaan na ang kolektor ni Estipona na si Dodjie Lasierda? Ang huling balita ko, si Lasierda ang kumokolekta hindi lang para kina Estipona at Cabatingan kundi maging ang para sa NBI, GAB, at iba pang sangay ng gobyerno. ‘Ika nga, suwelduhan na silang lahat kay Lasierda. Lulutang din ang katotohanan. May karugtong!

BENITO ESTIPONA

BIENVENIDO SALANDANAN

CABATINGAN

CALABARZON

CHIEF SUPT

ESTIPONA

SALANDANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with