^

Punto Mo

Homemade na Iron Man costume, gawa sa foam!

- Arnel Medina - Pang-masa

ISA ang superhero na si Iron Man na kinagigiliwan ng kabataang fans sa kasalukuyan. At isa si Archie Whitehead, 17, sa mga umiidolo kay Iron Man. Si Archie ay high school student sa Welwyn Garden City, isang bayan na may 20 milya ang layo sa London.

Sa sobrang pagkahumaling ni Archie kay Iron Man, naisip niyang gumawa ng custume nito. Alam niya, makakaya niyang gawin ito. Malakas ang determinasyon niya na kapag pinagbuhusan niya ng panahon ang suit ni Iron Man ay makakalikha siya nang katulad na katulad na suit gaya nang ginamit sa movie.

Pinag-aralan muna niya ang lahat. Hindi siya gagamit ng fiberglass sapagkat mahal ito. Hanggang sa maisipan niyang gamitin ang foam. Mas mura ang foam.

Noong January 2013, sinimulan niyang gawin ang costume ni Iron Man.

Nag-download siya ng 3D files mula sa online prop and costumes forums. Gumamit siya nang maraming reference images ni Iron Man. Nang matapos iyon ay isa-isang ipinrint ang mga tenplates. Ang mga templates ang pinagbasehan at ginawa niyang pattern sa foam. Makaraan ay sinimulan niya i-cut ang foam.

Pinakinis niyang mabuti ang gilid ng mga foam at saka nilagyan ng glue. Gumamit siya ng maliit na bolts sa mga joints. Nilagyan niya ng seal ang foam gamit ang acrylic gel. Pagkaraan ay nilagyan niya ng kulay gamit ang spray paint. Lahat nang bahagi ng costume ay gawa sa foam, maliban sa helmet na gawa sa resin fiberglass. Masyado siyang nahirapan sa paggawa ng helmet.

Natapos ni Archie ang project sa loob ng apat na buwan. Hindi siya makapaniwala sa resulta ng kanyang proyekto. Tagumpay siya sapagkat kung titingnan ang original suit ay halos walang pinagkaiba sa ginawa ni Archie.

Nagkakahalaga ang kanyang Iron Man suit ng $500.

Ang suits sa Iron Man 3 ay $7 billion.

ARCHIE WHITEHEAD

FOAM

GUMAMIT

IRON

IRON MAN

MAN

NIYA

NOONG JANUARY

SI ARCHIE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with