MAY paboritong heneral si King Philip ng England dahil sa katapangan nito. Maraming giyera ang pinamunuan ng heneral na napagtagumpayan niya. Ito ang dahilan kung bakit “malakas ang kapit†niya sa hari.
Minsan ay inabot ng bagyo ang sinasakyang barko ng heneral at ng batalyon nito. Ang lahat ng sakay sa barko ay nalunod maliban sa heneral na masuwerteng nakita ng isang magsasaka habang palutang-lutang ang walang-malay nitong katawan. Buong tiyaga siyang inalagaan ng buong pamilya ng magsasaka. Ilang buwan din siyang nanirahan sa malawak na bukid ng magsasaka. Pagkaraang manumbalik ang lakas ng pangangatawan, siya ay muling bumalik sa serbisyo bilang piÂnunong sundalo ng hari. Isang araw ay kinausap nang masinsinan ng heneral ang hari.
“Mahal na Hari, gusto ko sanang hingin sa iyo ang isang malawak na bukirin malapit sa pampang ng dagat kung saan ako nanirahan pagkaraan ng aksidente sa barko.â€
“Wala bang nagmamay-ari sa bukid?â€
“Isang lalaking patapon ang buhay at walang ginagawang kabutihan para sa bansa ang kasalukuyang umaangkin ng bukid.â€
“Sa dami ng laban na ipinanalo mo, ibinibigay ko na sa iyo ang bukid bilang simbolo ng aking pagtanaw ng utang sa iyo.â€
Lingid sa hari ay walang awang pinalayas ng heneral ang pamilya ng magsasakang nagligtas at nag-alaga sa kanya noon. Ipinakita ng heneral sa magsasaka ang kasulatang nagsasaad ng kanyang karapatang angkinin ang bukid. Pirmado ng hari ang kasulatan kaya walang nagawa ang magsasaka kundi lisanin ang bukid na punung-puno ng mga tanim na pagkain.
Nagpunta ang magsasaka sa palasyo at ikinuwento sa hari ang pagliligtas niya sa buhay ng heneral hanggang sa angkinin nito ang kanyang bukid at palayasin silang mag-anak. Naniwala naman ang hari. Ipinatawag nito ang heneral at pinangaralan tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Upang hindi pamarisan, nilagyan ng tatak ang noo ng heneral gamit ang mainit na bakal: UNGRATEFUL GUEST. Dahil sa tatak na ito, ang heneral ay nilayuan ng kanyang mga kaibigan hanggang sa siya ay bawian ng buhay.