ANG Commission on Elections (Comelec) mismo ang nagsabi na talamak ang vote buying noong nakaraang eleksiyon. Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, marami silang natanggap na report mula sa iba’t ibang lugar sa bansa na naging talamak ang bilihan ng boto. Ayon kay Jimenez, wala silang eksaktong data ukol sa vote buying pero batay sa natanggap nilang report, naganap ang bilihan ng boto, tatlong araw bago idaos ang election noong Lunes. Ayon pa kay Jimenez, pawang mga kandidato sa local position nagkaroon nang talamak na bilihan ng boto. Umano’y nagsisimula sa P2,000 hanggang P5,000 ang bilihan ng boto. Ang pagiging automated daw ng election ang masasabing dahilan kaya naging talamak ang bilihan ng boto. Nalalaman daw kasi ng mga kandidato na mahihirapan nang dayain ang resulta kaya dinaan sa bilihan ng boto.
Noon pa ay uso na ang bilihan ng boto. Bumabaha ng pera kapag election. Pero hindi inaasahang kahit ngayon na automated na ang election ay marami pa ring mangangahas na bumili ng boto. Matalino na kasi ang mga botante ngayon. Maraming tumatanggap ng pera mula sa kandidato at nangangakong ito ang iboboto pero sa mismong election, ang napupusuan pa ring kandidato ang kanilang pinili.
Hindi naman maiwasang mabahiran ng dugo ang ganitong kalakaran sapagkat may mga kandidatong gustong mabawi ang kanilang ginastos. Katulad sa isang bayan sa norte na maraming residente ang nagsilikas sa kani-kanilang mga bahay sa takot na resbakan ng kandidatong pinangakuan nila ng boto. Binayaran sila ng kandidato pero natalo pa rin ito. Nagbanta ang kandidato na “babalikan†ang mga botante na nangako pero hindi naman tinupad.
Hindi marahil mawawala ang vote buying. Hang- Âga’t may mga botanteng wala pang ganap na kaalaman sa paghahalal ng tamang pinuno, hindi mawawala ang pagbebenta ng boto. Dapat ma-eduÂcate ang mga botante sa susunod na mga election.