PINAG-ARALAN ng Ornithologists ang mga dolphins at kanilang natuklasan na may bakla sa mga ito. Natuklasan din may bisexuals at enjoy na kapartner ang kapwa lalaki at babae.
Sa isang kagila-gilalas na kaso ng magkaparehang gay dolphins, nadiskubre na may nagsama ng 17 taon. Natuklasan din na marami sa grupo ng mga lalaking dolphins ang nagkaroon ng romantic experiences sa isa’t isa.
Sinabi ng mga nagsaliksik na masyadong maÂlakas ang relasyon ng mga dolphins sa isa’t isa kumpara sa iba pang marine mammals. (listverse.com)
* * *
Baklang Chimpanzees
KUNG mayroong baklang dolphins, mayroon ding baklang chimpanzees.
Ang Bonobos, isang uri ng chimpanzee, ay sinasabing matindi ang homosexual bonding. At ang kaibahan ng mga Bonobos, mahusay silang magpahayag ng pagkagusto o pag-ibig sa pamamagitan ng language. Madiplomasya ang mga Bonobos. Mas mahinahon sila kumpara sa ibang chimpanzees.
Kung ang mga lalaking Banobos ay nakikipagtalik sa kapwa lalaki, ganundin ang ginagawa ng babae sa kapwa babae. Bago sila magkaroon ng relasyon, magkakaroon muna ng “play fight†approach. (listverse.com)