‘Nagpadala sa pag-ibig’
ANG nagmamahal ay tila may piring sa mata lumalakad na sumusunod sa mga paa ng kanyang iniibig.
Ganito ang pakiramdam ni Orlando Lizardo o mas kilala bilang Orly, 42 taong gulang, taga San Jose del Monte Bulacan.
“Akala ko totoo talaga ang mga sinasabi niya yun pala sistema na nila ng kanyang pamilya ang panloloko ng ibang tao,†sabi ni Orly.
Isang taon matapos nilang maghiwalay ng asawa nagsimulang pumasok sa ibang relasyon si Orly. Isa sa pinaka sineryoso niya ay si Baby Cris Aquino Formento o Cris, 26 taong gulang.
Nagkakilala sila ni Cris nang dumalaw sila ng dati niyang kasintahan na si Joy sa bahay nito.
“Magkumare si Joy at Cris at magkasosyo kaming tatlo sa e-load. Kami ni Joy ang sub-dealer at retailer si Cris,†kwento ni Orly.
Asikasong-asikaso sila ni Cris tuwing magagawi sila sa bahay. Pati pamilya nito kilala na nila.
“Nung nagkahiwalay kami ni Joy naging magkaibigan kami ni Cris. Nagpapautang din ako nung mga panahong yun at siya ang tumutulong sa akin. Nawalan lang kami ng komunikasyon ng matigil ang pagpunta ko sa lugar nila,†salaysay ni Orly.
Taong 2010…makalipas ang halos isa’t kalahating taon. Dumayo si Orly sa lugar nina Cris at muli silang nagkita. Nagkapalitan ng numero at napag-alaman niyang hiwalay na ito sa asawa.
“Nagsimula na kaming magka-text at tawagan. Kuya pa ang tawag niya sa akin. Kumustahan lang at sabi niya ihanap ko daw siya ng boyfriend,†wika ni Orly.
Mabilis niyang ipinrisinta ang sarili. “Bakit ka pa maghahanap? Bakit hindi na lang ako?â€
“Ayos lang. Ok ka naman. Responsable, mabait, halos lahat ng hinahanap ko nasa ‘yo na,†sagot umano ni Cris sa text.
Ika-20 ng Hunyo taong 2010 nang maging sila ni Cris.
“Siya ang laging nagpupunta sa bahay hindi alam ng mga magulang niya na may relasyon kami,†kwento ni Orly.
Naging malapit si Orly sa anak ni Cris. Nang magkasakit ito siya ang gumastos sa pagpapagamot. Pati puhunan sa negosyo nagÂbigay siya.
“Tart bili mo ko ng motor para kahit gabi makakapunta ko sa bahay niyo. Diyan ako matutulog,†lambing umano ni Cris.
Walang pagdadalawang isip binilhan niya kaagad ng ‘second hand’ na XRM si Cris na nagkakahalaga ng 20,000PHP.
“Wala akong masamang inisip sa kanya kahit na hindi natutuloy ang pagtulog niya sa bahay,†sabi ni Orly.
Nang magtrabaho bilang ‘receptionist’ sa isang hotel sa Makati si Cris si Orly pa din ang sumasagot sa pang-araw araw nitong gastusin.
“Napag-uusapan namin ang mga plano sa magiging pamilya namin. Naisip niyang kailangan nang mag-ipon,†kwento ni Orly.
Buwan ng Setyembre 2010 nagpaalam si Cris na magtatrabaho sa Guam bilang receptionist.
“Sinuportahan ko siya. Nagbigay ako ng pera para sa pag-aayos ng passport niya at pocket money. 50,000PHP ang una kong naiabot,†wika ni Orly.
Oktubre 2010 ang huli nilang pagkikita. Ayon kay Cris may isang linggo pa siyang ‘training’ sa Sta. Cruz Manila bago lumipad patuÂngong Guam.
“Itong pag-aabroad ko wag mong ipapaalam kina mama dahil hihingi lang sila ng pera. Hindi tayo makakaipon. Wala tayong puhunan pag-uwi ko,†bilin umano ni Cris kay Orly.
“Nung nasa training siya nagpadala pa ako ng limang libo. Sa Western Union ko inihulog,†salaysay ni Orly.
Oktubre 19, 2010 ang petsang sinabi ni Cris ng kanyang paglipad.
“Sa chat ng yahoo mesÂsenger na lang kami nagkakausap. Walang video, picture lang niya ang nakikita ko. Sabi niya niloko daw siya ng agency. Hindi libre ang bahay kaya maghahanap pa siya ng matitirhan,†ayon kay Orly.
Sunud-sunod din umano ang pagkakasakit ni Cris sa Guam at sari-saring problema ang kinakaharap kaya tuwing makalawang araw magpadala ng pera si Orly.
“Sa Western Union ko piÂnaÂdala ang pera. Sabi niya PhilipÂpines ang ilagay na pagpapadalhan para mura ang singil,†salaysay ni Orly.
Agad na gumawa ng paraan si Orly para matugunan ang pangangailangan ni Cris. Nagmakaawa siya sa mga kakilala para pautangin. Maging ang kanyang motor at ang titulo ng lupang kinatitirikan ng bahay nila ng pamilya ay naisanla niya rin sa halagang 300,000PPHP. Ipinadala niya yun kay Cris. Umabot ng halos isang milyon at kalahati ang naibigay niya.
“Babayaran niya daw lahat pag nakauwi na siya. Yung paÂngakong yan lang ang pinanghahawakan ko,†wika ni Orly.
Marso ng taong 2012 nang magsabi si Cris na uuwi siya.
“Palagi namang hindi natutuloy. Maraming aberyang nangyayari,†kwento ni Orly.
Nagsimula na siyang maghinala. May nakapagkumpirma sa kanya na hindi talaga nag-abroad itong si Cris.
Buwan ng Hunyo 2012 nang magtungo siya sa Public Attorney’s Office (PAO) ng Bulacan upang ireklamo si Cris. Kasong Estafa ang kanyang isinampa.
“Nung unang patawag ang tatay niya ang dumating at hiniÂling nga namin na magpakita si Cris,†wika ni Orly.
Hindi naging maganda ang itinakbo ng kanilang pag-uusap kaya itinuloy niya ang demanda.
Noong Nobyembre 26, 2012 lumabas ang resolusyon. Dismissed ang kaso sa kadahilanang hindi akma ang opisinang nilapitan niya para sa isinampang kaso. Ang nararapat ay mag-file siya ng kasong sibil. Malinaw na sinuporthan ni Orly ang kanyang kasintahan dahil sa labis na pagmamahal.
“Hindi ko na alam kung paano pag-aaralin ang anak ko. Magkokolehiyo na siya. Alam kong alam ng pamilya niya ang ginagawa ni Cris. Sirang-sira na ang reputasyon namin. Hinahabol na kami ng mga pinagkakautangan ko,†ayon kay Orly.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Orly.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kapag bata kang umibig talagang malapit ka sa panloloko pero sa sitwasyon mo Orly sa edad mong yan hindi mo ba naramdaman na niloloko ka na nitong iyong gf. Kaya mong pumunta sa Western Union at alamin kung sino ang kumukuha nun dahil istrikto ang kompanyang yun at kailangan ng I.D bago mo makuha ito. Hindi ko na para dagdagan ang nararamdaman mo ngayon wala rin namang masama na sundin ang nakasaad sa resolusyon ng taga-usig dahil nangako itong si Cris na babayaran ka niya. Pagsama-sama mo ang iyong mga pinadalang pera at tuluyan mo na. Sa labis na pagmamahal ni Orly kay Cris nagpadala siya sa pag-ibig. Sa literal na pananalita, nagpadala siya…ng pera.
(KINALAP NI CHEN SARIÂGUMBA) Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Chen). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.
- Latest