Pag-amin ng kahinaan
NOONG kalagitnaan ng 1980’s ay may isinagawang research ang Cleveland State University. At ikinagulat nila ang naging resulta ng kanilang ginawang experiment.
Sa experiment, kumuha sila ng dalawang lalaki, sina David at John na magkukunwaring job applicant sa iba’t ibang kompanya. Iginawa ang dalawa ng magkaparehong resume at letter of reference. Ang letter of reference ay liham na isinulat ng dating employer para sa mga pinag-aaplayang kompanya ng aplikante. Ito ay nagsasaad ng mga magagandang katangian ng aplikante na may kaugnayan sa posisyon inaaplayan nito. Hinihingi ito ng mga kompanyang pinag-aaplayan upang magkaroon sila ng ideya kung ano bang klaseng empleyado ang mga aplikanteng ito. Ipinadala ang resume at letter of reference nina John at David sa mga personnel managers.
Ang pagkakaiba lang ng letter of reference ni John ay may inamin ang employer na “paminsan-minsan ay mahirap pakisamahan si Johnâ€. Gustong malaman ng researchers kung makakasira ba ang “munting pamimintas†kay John sa letter of reference. Makakaapekto ba ito sa pag-aaplay ni John?
At nagulat ang mga researchers sa naging resulta: Mas pinili ng mga personnel managers si John kaysa kay David dahil na-impress sila sa honesty ng letter ni John. Ang letter of reference ni David na pulos papuri ay nagbigay ng impresyon na napakaperpekto naman ni David. At iyon ay imposible. No one is perfect.
Ang pagsasabi ng employer ng kaunting kapintasan ni John ang naging selling point para ipatawag nila si John for a job interview. Mas naging credible ang letter of reference dahil sa pag-amin ng kahinaan.
- Latest