KAKAIBA ang sakit na dumapo sa limang taong gulang na si Jake Finkbonner. Noong Pebrero 2006, naglalaro si Jake sa Pee-Wee League basketball game nang bigla siyang itulak mula sa likod ng ka-teammate. Tumama ang kanyang lips sa base ng basketball hoop at nabiyak iyon. Dumugo nang dumugo.
Agad dinala si Jake ng kanyang mga magulang sa ospital. At makaraang suriin ng doktor ang sugat, sinabi nito sa mga magulang na maaaring ikamatay ni Jake ang sugat. Gimbal ang mga magulang ni Jake. Ayon sa doktor, infected ang sugat nang tinatawag na Strep A --- isang flesh-eating bacteria. Maaaring mamatay si Jake sa loob ng 24 oras, makaraan ang infection. Umano’y nakuha ang Strep A sa base ng basketball loop na tinamaan ni Jake.
Ayon pa sa doktor, ang sakit na Strep A ay kahalintulad ng sinindihang parchment paper na mabilis kumalat ang apoy. Kapag sinindihan ang kabilang dulo, iglap na masusunog din ang kabila. Sa isang iglap, lalamunin ng bacteria ang mga nakapaligid na bahagi ng katawan ni Jake.
Nagdasal ang pamilya ni Jake na makaligtas ito sa kamatayan. Bilang mga Katoliko, binigyan ng last rites si Jake. Hanggang sa
Magdasal sila kay Blessed Kateri Tekakwitha, isang Mohawk Indian na na-convert sa Catholicism (si Jake ay half Lummi Indian).
Himala ang nangyari sapagkat bumagal ang infection. Hanggang sa tuluyang tumigil at nakaligtas si Jake sa kamatayan. Hindi makapaniwala ang mga doktor. Sinuri muli siya at wala na nga ang Strep A bacteria.
Makaraan iyon ay isinailalim si Jake sa skin grafts at iba pang surgical procedures para maibalik ang nasirang mukha ni Jake. Dahil sa paggaling ni Jake sa pamamagitan ni Blessed Kateri, ikukunsidera iyon para siya maging Santa.