Ang hanging amihan

Mabango ang simoy ng hanging amihan

Ang dulot sa puso ay kapayapaan;

Subali’t ang hangin nagbabago iyan

Ngayon ay banayad bukas alinsangan!

 

Dahil nagbabago ang ihip ng hangin

Ang payapang buhay mahirap marating;

Kahit pa maayos buhay na naisin

May hanging habagat sa bagyong darating!

 

Habang nagdaraan ang bagyong marahas

Mga mamaya’y daratnan ng malas;

Sa oras na ito ang dasal ng lahat –

Mga bahay nila ay hindi mawasak!

 

Paglipas ng bagyo – payapa ang bayan

At ang mga tao’y masaya na naman;

Madarama nila ay hanging amihan

Ang dampi sa pisngi ay kaligayahan!

Show comments