PAGPATAY SA PYGMIES – Ang pygmy tribes ay matatagpuan sa Central Africa. Kilala ang mga pygmy bilang mga maliliit na tao. Ang lalaking pygmy ay may taas lamang na 59 inches.
Sa lahat nang pygmy tribes, ang mga nasa Congo ang dumanas nang grabeng hirap. Nagkaroon ng civil war sa Congo at tinangka silang ubusin doon. Ang mga rebeldeng kabilang sa Movement for the Liberation of the Congo ay hina-hunting sila at walang awang pinapatay. Marami ang napatay sa mga pygmy. Umano’y nasa 500,000 na lamang ang natitirang pygmies sa Congo. Ayon sa pygmy representatives, tangkang ubusin ang kanilang lahi gaya ng ginawa ni Adolf Hitler na pinagpapatay ang mga Hudyo.
* * *
PAGPATAY SA KURDS – Ang mga Kurds ay mga katutubo sa maraming bansa sa Middle East. Ang pinagmulan umano ng Kurds ay sa Iran. Ang Kurds sa Iraq ang sinasabing dumanas nang grabeng pagmamalupit. At tinangka silang ubusin ni dating Iraq President Saddam Hussein.
Malaki ang galit ni Saddam sa mga Kurds. Kumakampi umano ang Kurds sa Iran lalo na nang magkaroon ng giyera roon noong 1980. Hanggang sa isang maitim na balak ang ginawa ni Saddam. Ginamitan ng gas na may lason ang Kurds, particular ang nasa Al-Anfal region. Ang nagsagawa ng paglason ay ang pinsan ni Saddam na si Ali Hassan Al-Majid na lalong kilala sa tawag na Chemical Ali. Ginamitan ang Kurds ng mustard gas, sarin at VX nerve gas. Tinatayang 180,000 Kurds ang namatay.