ISANG magsasaka ang nakatayo sa harapan ng mga tanim na kawayan. Maya-maya ay kinausap niya ang pinakamatangkad at pinakamagandang kawayan.
“Kaibigang Kawayan, kailangan kita.â€
“Sige, gamitin mo ako sa anumang paraang makakatulong ako sa iyo.â€
“Okey ba sa iyo kung hatiin kita upang magamit ka sa aming bukid.â€
“Whattt? hahatiin mo ako? Di ba, ang lupit naman ‘nun!â€
Katahimikan. Maya-maya ay binasag ito ng gumagaralgal na boses ni Kawayan.
“Si-sige payag na ako sa gusto mong mangyari. Hatiin mo na ako.â€
“Ganito iyon, Kaibigang Kawayan, bago ko hatiin ang iyong katawan, tatapyasin ko muna ang iyong mga dahon at kakayasin ko ang iyong balat.â€
Tuluyan nang napaiyak ang magandang kawayan.
“Hahatiin mo na nga ako ay tatapyasin mo pa ang mga dahong matagal kong inalagaan. Ano na ang mangyayari sa aking beauty na kaytagal kong inalagaan laban sa mga kulisap at salbaheng hayop?â€
“Kung hindi ko gagawin ang mga bagay na ‘yun, hindi kita magagamit,†paliwanag ng magsasaka.
Huminga nang malalim ang biyuting kawayan at saka buong tatag na nagpasiya.
“Sige na nga, iniaalay ko ang aking sarili para sa kapaÂkanan ng nakararami.â€