HINDI nakatiis si Tanggol. Pinihit ang door knob. Ang kasabikan na makita si Jinky ang nangiÂbabaw sa kanya. Bahala na kung mahuli siya ni Jinky. Mangangatwiran siya na mayroon lang itatanong kaya binuksan ang pinto. Bahala na kung ano ang maisip niyang dahilan.
Nabuksan ang pinto. Dahan-dahang itinulak. Nasapol ng tingin niya ang kama ni Jinky. At nakita niya si Jinky na nakahiga. Tulog. Pinagmasdan niya si Jinky. Napakaganda ni Jinky sa suot na manipis na pantulog. Higit na mas maganda si Jinky ngayon kaysa noong nasa Maynila pa. Noon ay parang wala siyang makitang kinang sa katauhan ni Jinky pero ngayon, sariwang-sariwa ito. Napaka-amo ng mukha, mahubog ang mga hita at binti, makinis na makinis ang balat. Isang diyosa si Jinky para sa kanya. Si Jinky na nga siguro ang huling babaing magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Kay Jinky na siya matatali habambuhay.
Matagal na pinagmasdan ni Tanggol ang natutulog na si Jinky. Kailan kaya darating ang panahon na magkakaniig sila ni Jinky? Napabuntunghininga siya. Hihintayin niya ang panahong iyon.
Ipinasya na ni Tanggol na lumabas na ng silid. Dahan-dahang isinara ang pinto.
Tinungo niya ang bintana at pinagmasdan ang paligid ng bahay. Wala naman siyang napansing kakaiba. Tumanaw din siya sa dakong kulungan ng mga itik. Wala rin siyang nakitang mga pagbabago sa kulungan.
Nang masiguro na walang mga tao na maaÂaring pumasok sa bahay ay nagbalik na sa pagbabantay si Tanggol. Kailangang labanan niya ang antok. Pero hindi siya tumagal. Bumabagsak ang talukap ng mga mata niya.
Tinungo niya ang sopa na nasa di-kalayuan. Nahiga siya roon. Nakatulog agad siya.
Kinabukasan, naramdaman niya ang mahinang tapik sa kanyang braso.
“Tanggol, bakit diyan ka natulog. Doon ka sa kuwarto,†Tanong ni Jinky.
Napabalikwas si Tanggol. Hiyang-hiya. Naabutan siyang natutulog.
“Ano Tanggol, doon ka na sa kuwarto matulog.â€
Hindi makasagot si Tanggol.
(Itutuloy)