^

Punto Mo

Tips

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Stretch Mark

Imasahe nang dahan-dahan ang olive oil sa balakang at tiyan kung saan madalas nagkakaroon ng stretch mark pagkatapos manganak. Gawin ito nang regular. Hindi lang matatanggal ang stretch mark kundi nakakatulong din ang pagmasahe para gumanda ang blood circulation sa nabanggit na area.

Oras ng Panganib

Kung nakatira ka sa high rise condominium at may nakasabay kang kahina-hinalang lalaki sa elevator. Una, makiusap ka sa security guard ng condo na samahan ka sa elevator. Magsakit-sakitan ka. Kung imposible itong gawin dahil walang guard, pindutin mo ang lahat ng floors na dadaanan mo bago ka makarating sa iyong floor. Bakit? Magdadalawang-isip ang isang masamang tao na gumawa ng kabuktutan or matataranta siya kung sa bawat floor ay bubukas ang elevator door. At saka, para may pagkakataon kang makatakas sa lalong madaling panahon.

Kung sasakay kang mag-isa sa taxi. Tumawag sa isang kaibigan o kamag-anak at iparinig sa driver na idinidikta mo sa iyong kausap ang pangalan ng taxi at plate number. Para maging disimulado, kunwa’y ang kausap mo ang sasalubong sa iyo pagbaba mo ng taxi kaya kailangang may palatandaan siya sa taxi na sinasakyan mo. Kung walang sumasagot sa tawag mo, magkunwari kang may kausap. Magdadalawang- isip ang masamang tao sa ganitong style, siyempre nakatimbre sa kamag-anak mo ang kanilang plate number at mismong kompanya ng taxi.

Para Hindi Tumaba

Sa tuwing makakaramdam ng gutom, huwag munang kumain­. Sa halip, uminom muna ng tubig dahil mas malaki ang tsansa na nauuhaw ka lang at hindi nagugutom.

Anti-Asthma Foods

Narito ang mga pagkaing pipigil sa pagkakaroon ng hika: Avocado, broccoli, mansanas, saging, luya, spinach, rosemary, sunflower seeds, kamote, turmeric, dahon ng mustasa.

 

vuukle comment

ANTI-ASTHMA FOODS

BAKIT

GAWIN

IMASAHE

MAGDADALAWANG

PARA HINDI TUMABA

STRETCH MARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with