Babae, tinalian ang kamay at paa, isinilid sa kahon at inilibing nang buhay, nakaligtas!

MAITUTURING na himala ang pagkakaligtas sa kamatayan ni Mechelina Lewandoska, isang Polish na nag-migrate sa United Kingdom. Ginamitan siya ng stun gun para mawalan ng malay, tinalian ang mga kamay at paa, isinilid sa kahon at saka nilibing sa hukay. Nilagyan pa ng mga kahoy ang ibabaw ng hukay para masigurong hindi makaliligtas si Mechelina. Pero nabigo ang mga taong gustong pumatay kay Mechelina. Ang utak ng pagpatay: Ang kanyang fiancée na si Marcin Kasprzak!

Ayon kay Michelina, napakasamang bangungot ang naranasan niya. Hindi siya makapaniwalang makaliligtas siya sa kamatayan.

Nangyari ang hin­di malilimutang karanasan ni Michelina noong Ene­ro 2012. Pin­ lano umano ng kanyang fiancée na si Marcin ang pagpatay sa kanya, katu­long ang tin­edyer na si Patryk Borys. Umano’y bored na si Marcin sa pakikisama sa kanya.

Ginamitan siya ng stun gun. Nang magkamalay si Michelina, nasa loob na siya ng isang kahon. Hindi siya makakilos sapagkat nakatali ang paa at kamay niya. Unti-unti na siyang nasu-suffocate. Ayon kay Michelina, katapusan na yata niya. Pero nagdasal siya nang nagdasal sa Diyos na tulungan siyang maka-survived para sa kanyang tatlong taong gulang na anak na lalaki. Anak nila ni Marcin ang bata.

Biglang naisip ni Michelina na gamitin ang kanyang  engagement ring para maputol ang taling nakagapos sa kanyang kamay. Hanggang sa makalabas siya sa kahon at nakaahon sa hukay. Nakaligtas siya.

Inaresto si Marcin at kasama nito. Nahatulan sila ng 20 taong pagkabilango. (listverse.com).

Show comments