^

Punto Mo

Kakaibang mga sakit Epidermodysplasia verruciformis: Mga kulugo na nakabalot sa katawan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

UNANG nakita ng mga tao ang sakit na ito noong 2007 nang isang lalaki na nagngangalang Dede Koswara ang nag-appear sa internet. Hilakbot ang mga nakakita sapagkat buong katawan ni Koswara ay tinubuan ng mga kulugo. Pagkatapos ay na-feature siya sa Discovery Channel at Learning Channel.

Umano’y isang virus (human papilloma) ang may kagagawan ng Epidermodysplasia verruciformis. Tinutubuan ng kulugo ang katawan hanggang sa dumami ito nang dumami. Kung titingnan, maihahalintulad ang balat ng pasyente sa natutuyong “balat ng kahoy”.

Sa kaso ni Dede Koswara, hindi umano siya tumigil sa paghanap ng paraan para mawala o tumigil sa pagdami ang mga kulugo. Maraming beses na siyang sumailalim sa operas­yon para matanggal ang mga kulugo. Isa-isa umanong inalis ang mga kulugo.

Subalit ang pagsisikap niya na matanggal ang mga kulugo ay nawalan ng saysay sapagkat muling tumutubo at mas agre-sibo sa pagdami ang mga kulugo. Kailangan umano ni Dede nang da-lawang operasyon sa loob ng isang taon para mabawasan man lang ang mga kulugo.

Wala pang na-tutuklasang lunas sa sakit.

DEDE

DEDE KOSWARA

DISCOVERY CHANNEL

EPIDERMODYSPLASIA

HILAKBOT

ISA

KULUGO

LEARNING CHANNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with