Cadillac…kad

UNANG araw pa lang ni Pope Francis sa pagiging Santo Papa, tila umagos ang maraming anekdota tungkol sa kanyang kabutihan at kasimplehan. Noong February 2001, tumulak sa Rome sina Archbishop  Jorge Bergoglio at ang kanyang spokesman na si Guillermo Marco para hirangin siya ni Pope John Paul II bilang cardinal ng Argentina. Pagdating sa Rome ay nanirahan sila sa bahay ng mga pari na medyo may kalayuan (kung lalakarin) ang distansiya  sa Vatican. Noong bihis na sila at paalis na  patungo sa Vatican, nagtanong si Guillermo kay Archbishop Bergoglio: “Ano po ang gagamitin nating sasakyan papunta sa Vatican?”

“Cadillac…kad. Maglalakad tayo.” (Ginawa ko na lang creative ang dayalog na ito ni Pope Francis. Siyempre pang-Pinoy lang naman ang joke na Cadillac--kad).

“Pulang-pula po ang iyong abito, baka po pagtinginan tayo ng mga tao sa kalye.”

“Don’t worry, dito sa Rome, wala silang pakialam kahit pa may makita silang pari na may sunong na saging sa kanilang ulo.”

Maraming cardinal ang kasabay nilang nagsidatingan sa simbahan ngunit sila lang ang bukod tanging naglakad dahil lahat ay nagdatingan na sakay ng magagarang sasakyan.

Show comments