HINDI lang sa dugo dumadaloy ang pagiging isang pulitiko… nasa talas ng kanyang pagtingin sa pagbabago. Lakas ng pandinig sa mga hinaing ng kanyang mamamayan at bilis ng pakiramdam sa paglunsad ng mga bagong programang tutulong sa pag-unlad. “Ang mga programa ko ang talaga namang ilan sa mapagmamalaki ko…†ani Vice Mayor Joy.
Ika-30 Hunyo ng 2010 ng umupo bilang Vice Mayor si Ma. Josefina Belmonte o “Joy Belmonte†sa Quezon City (QC). Mula sa linya ng mga pulitiko si Joy. Bunso siya at kaisa-isang babaeng anak ng dating Mayor ng QC na si Feliciano “Sonny†Belmonte Jr. (nanungkulan mula taong 2001-2010). Kasalukuyanng Speaker of the House ng Kongreso at nanggaling sa ika-4 na distrito ng QC. Ang kanyang ina na si Betty Go-Belmonte ay isang magaling na mamamahayag (publisher). Hindi naman nahinto lang sa pagiging Vice Mayor si Joy. Presiding Officer din siya ng Quezon City Council. Chairperson siya ng City Anti-Poverty Committee at Vice Chair ng Quezon City Disaster Risk and Reduction Management Committee. Bago pa sumabak sa pulitiko si Joy, mahabang taon siyang nagsilbi bilang ‘volunteer worker’ at ‘public servant’ sa ‘non government organization’. Naranasan na niyang maglingkod sa mga kababayan nating mahihirap sa Kadilingan, Bukidnon. Sa mga gawaing serbisyo publiko na ito, nagkaroon siya ng pag-asa na ituloy ang nasimulan na ng ama. Naisakatuparan nga niya ang layunin ng maging Vice Mayor siya ng Quezon City hanggang sa kasalukuyan. Sa tatlong taong pag-upo ni Joy isa sa kanyang naging adhikain ang kababaihan at kabataan. Nagsagawa siya ng mga kampanya para sa kababaihan at batang biktima ng krimen at karahasan sa QC. Isa sa kanyang mga programa ang pagtayo ng isang ‘protection center’ o one stop shop protection center para sa kanila. “Isa po yan sa mga programa ko dito sa QC. Matatagpuan ito sa Quezon City General Hospital. Nandito lahat ng kabataan at kababaihan biktima ng anumang karahasan pati na rin emotional violence,†wika ni Joy. Maging mga ‘livelihood programs’ isa rin sa tinututukan ni Joy, partikular na sa mga inang nasa tahanan. Bukas ang Office of the Vice Mayor sa mga ginang na gustong kumita. Sinasailalim sila sa mga libreng ‘training’. Kung mayroon na silang kasanayan at mahilig silang magnegosyo. Pwede nila itong gawin sa kani- kanilang mga tahanan na hindi na nila kailangan magpunta sa ibang lugar. “ Ang ginagawa natin ay tumutulong tayo sa marketing, pag may nagawa silang produkto na maganda at kakaiba tutulong mismo kami sa pagbebenta ng mga produkto nila para sila ay makaipon at makatulong sa kanilang pamilya,†sabi ni Joy. Isa rin sa priyoridad ni Joy ay ang mga mag-aaral ng lungsod, maging ang ugnayan ng estud-yante at magulang pagdating sa kanilang pag-aaral. Nagsasagawa siya ng Values Formation Program para sa mga magulang na may anak na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan. Paniniwala ni Joy, sa mga ganitong aktibidad naiiwasan ang mga ‘social issues’ ng kabataan. Tulad ng mga nagda- ‘drop out’, nalululong sa masamang bisyo, o mga ‘di na naitutuloy ng kanilang pag-aaral dahil sa kahirapan. “Kailangan talaga ng mga batang ito ang gabay. Sa programang ito natuto silang mas maging mabuting magulang,†pahayag ni Joy. Patuloy rin ang ‘Women’s Caravan’ na isinasagawa sa buong lungsod. Isa itong set of services para sa mga kababaihan. Lalo na pagdating sa pangangalaga ng kanilang kalusugan. Merong mga libreng eksaminasyon para maiiwasan ang mga karaniwang sakit ng kababaihan tulad ng cervical cancer, ova-rian cancer at breast cancer. Katuwang ng programang ito ang Philhealth at Social Security Services (SSS). Pwede rin silang magpamiyembro dito. May bukas ring programa para sa mga inang nangangailangan ng payo (counselling). Sinusulong rin ni Joy ang pantay na karapatan para sa mga taong may kapansanan (persons with disabilities).
“Bukas ang aming tanggapan sa kanila para sa mga programang pangkabuhayan,†ani Joy.
Ilan lang ito sa mga proyekto at programang patuloy na ipaÂtutupad sa lungsod. Hindi tumitigil ang kagustuhan ni Joy na mas paunlarin ang pamumuhay ng mga mamamayan ng QC kaya naman hinihiling ng mga taga Quezon City na ipagpatuloy ni Joy ang kanyang mga ginagawa. Dahil kulang ang tatlong taon para sa kanyang magagandang layunin at mabuÂting adhakain para sa kanila. “Nais ko lamang po sabihin na ang aming adbokasiya ay ang pagsulong ng karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Maging ng mga senior citizens at persons with disabilities. Lahat yan ay nais nating tulungan at tugunan ang kanilang mga panga-ngailangan,†pahayag ni Joy.
Sa lahat ng may katanungan o may mga programang nais maibaba sa kanilang mga lugar bukas ang tanggapan nila Vice Mayor Joy sa Quezon City Hall. Mayroon din People’s Day tuwing Martes mula 9:00 ng umaga- 5:00 ng hapon. Personal niyong makakausap ni Vice Mayor Joy dito.
• • • • • •
PARA SA IBA PANG BAÂLITA…Anay kung sumira ng buhay at tahanan ang droga, kaya’t ang malasakit ng isa ay makapagliligtas sa lahat. PanaÂwagan ngayon ng kaibagan kong si Cong. Jack Enrile na makiisa ang sambayanan upang masawata ang malalang pagÂlaganap ng ilegal na droga sa ating bansa. Nakakaalarma ang natanggap na ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na 98% ng mga barangay sa NCR ay apektado ng ilegal na kalakal sa droga. Nanawagan si Cong. Jack Enrile sa ating mga pulis na magkaroon ng kooperasyon sa mga pinuno ng bawat barangay na nakakakuha ng impormasyon ukol sa mga kasangkot sa ganitong kalaÂkalan. Malaki din ang maitutulong ng buong komunidad kung isusumbong sa mga kinauukulan ang kanilang mga nalalamang kasangkot sa ganitong ilegal na gawain.
(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)
Ang aming numero 09213263166(Chen) /09213784392(Pauline)/ 09198972854 (Monique). Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Address: 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami Lunes-Biyernes.