^

Punto Mo

Mga kakila-kilabot na krimen na hindi nalutas (1)

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NOONG magtatapos ang 1960s, tatlong magagandang Scottish women ang sunud-sunod na pinatay. At ang pumatay sa kanila ay isang lalaking magaling mangusap ng mga salitang pawang hinango sa Bible. Ang lalaki ay nakilala sa alyas na “Bible John.”

Kakaiba ang ginawang pagpatay sa mga babae. Pawang binigti ng sarili nilang stockings. At ang nakapanlulumo, pawang ang mga pinatay ay mayroong menstruation nang oras na sila ay bigtihin. Pagkaraang bigtihin, ang pads o tampons (napkins ngayon) na ginamit ay inilagay sa tabi ng bangkay.

Nakilala ang murderer dahil sa kapatid na babae ng isang biktima. Ayon kay Jean Puttock, kapatid ng biktimang si Helen Puttock, nakilala niya ang murderer dahil naka-share nila ito sa isang taxi. Isang oras silang magkasama sa taxi. Nagpakilala ang lalaki na si “John Templeton”. Ang mga sinasabi umano nito ay hango sa Bible. Naging magaan ang loob ng kanyang kapatid na si Helen kay John at nagtiwala agad dito. Sumama si Helen kay John nang imbitahan ito sa isang party.

Kinabukasan, natagpuang patay si Helen. Hindi na nakita si John. Hanggang ngayon, hindi pa nalulutas ang krimen.

AYON

BIBLE JOHN

HANGGANG

HELEN PUTTOCK

ISANG

JEAN PUTTOCK

JOHN TEMPLETON

KAKAIBA

KINABUKASAN

NAGPAKILALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with