SI Kim Jong-il ang dating lider ng North Korea. Siya ang ama ng kasalukuyang leader ng Nokor na si Kim Jong-un. Namatay si Kim Jong-il noong Disyembre 2011. Na-ging Presidente siya o supreme leader ng Nokor mula 1994 hanggang 2011. Siya ang pumalit sa kanyang amang si Kim Il-sung na namatay noong 1994.
Maraming kakatwang ugali si Kim Jong-il. Isa rito ay ang sobrang matatakutin sa eroplano. Kahit kailan hindi pa nakakaranas sumakay sa eroplano si Kim Jong-il. Kaya ang sinasakyan niya sa buong panahon na siya ang lider ng North Korea ay tren.
Nagpagawa siya ng anim na tren at ito ang halinhinan niyang sinasakyan sa pagbisita sa buong Nokor. Mayroong 20 stations ang tren. Siya lamang ang nakakagamit ng stations.
Ang bawat tren ay may sariling conference room, bedrooms, flat screen TVs, satellite phone links, at marami pang iba. Mayroon din umanong supply ng buhay na lobster at masarap na alak na isinasakay araw-araw sa tren. Ang ginagamit umanong chopsticks ni Kim Jong-il ay silver.
Noong nabubuhay pa, naglabas ng “official biogra-phy†ni Kim Joing-il ang gobyerno. Ayon sa gobyerno, si Kim ay ipinanganak sa Mt. Paektu habang mayroong dalawang bahaghari na biglang lumabas sa kalangitan. Sa dulo ng bahaghari ay may lumabas na bituin kaya maihahalintulad si Kim sa isang Diyos.
Nakasaad sa biography na si Kim ay natutong lumakad sa edad na tatlong linggo. Matalino rin umano sapagkat iwinasto ang mga pagkakamali ng guro sa history lessons. Umano’y nasa 1500 libro ang kanyang nasulat. Expert din daw sa paggawa ng pelikula si Kim. May kakayahan din umano itong kontrolin ang weather sa pamamagitan ng moods.
Namatay si Kim sa edad na 69.