ISANG umaga paglabas ni Pope Francis sa kanyang apartment na tinutuluyan, nagulat siya nang makita ang isang Swiss Guard na buong tikas na nakatayo sa labas ng pintuan. ImadÂyinin ninyo ang hitsura ng guard na tila estatwang nagbabantay sa bantayog ni Jose Rizal sa Luneta. Nasa ganoong sitwasyon ang Swiss guard nang lumabas si Pope Francis.
“Magdamag mo akong binabantayan?â€, may tono nang pag-aalala ang boses ng Papa.
“Yes, Your Holinessâ€
“Sa ganyang posisyon? Nakatayo?â€
“Yes, Your Holiness,†bibig lang ang gumagalaw, wala pa rin katinag-tinag ang Swiss Guard.
“Hindi ka ba napapagod?â€
“Responsibilidad ko po, Your Holiness na bantayan ka at seguraduhin ang iyong kaligtasan sa lahat ng oras.â€
Sandaling pumasok ang Papa sa loob ng apartment. Pagbalik ay may bitbit itong silya. “Heto, maupo ka upang maipahinga mo ang iyong mga binti kahit sandali.â€
Kahit nagulat ay wala pa rin kagalaw-galaw ang guard. “Patawarin mo ako Your Holiness, bawal po sa amin ang umupo habang nasa duty.â€
“Bawal? Sino ang nagbabawal?â€
“Ang amin pong Kapitan.â€
Napangiti si Pope Francis.
“Well, bilang si Pope Francis, inuutusan kitang umupo.â€
Nag-isip ang guard. Sino ba ang susundin niya, ang kanyang Kapitan o ang pinuno ng Simbahang Katolika? Mas pinili niyang sundin si Pope Francis. Muling pumasok sa apartment ang mabait na Papa. Pagkaraan ng ilang minuto ay may bitbit itong sandwich. Nakaupo pa rin ang guard.
“Siguradong nagutom ka sa magdamag mong pagbabantay, heto, kainin mo itong ginawa kong panino con marmellata (Italian bread with jam).â€
Walang nagawa ang Swiss guard kundi kainin ang sandwich dahil sinabihan kaagad siya ni Pope Francis ng “Bon appetite, brother!â€