Lampong (267)
P INAGMASDAN ni Jinky ang kabuuan ng sapa. May malalim na iniÂisip. Pagkuwa’y binalingan si Tanggol.
“Ano sa palagay mo Tanggol, maaari kayang lagyan ng kanal ang sapa para magtungo sa itikan ang tubig?â€
“Puwede po, Mam Jinky. Dun po sa bahaging iyon ay puwede dahil parang pinaka-elbow iyon ng sapa. Tingnan po ninyo at nakakurba.’’
“Oo nga ano. Mula roon sa siko na iyon ay doon gagawa ng hukay?’’
“Opo. Siguro po ay mga hanggang baywang na hukay ay puwede na. Di ba pababa po ang itikan?â€
“Oo.â€
“Tamang-tama po. MaÂlakas ang bulusok ng tubig.’’
“Tama ka Tanggol. Para kang engineer ah. Alam mo ang diskarte sa irigasyon.’’
“Simple lang po yan, Mam Jinky. Ang problema lang po ay gagastos ka nang malaki sa paghuhukay.’’
“Hindi bale. Ang kapalit naman ay malaki ring kita. Kung sariwang tubig galing dito sa sapa ang dadaloy sa itikan, tiyak na darami pa ang itik at malaking kita. Mag-eexpand ako ng negosyo, Tanggol. Magtatayo ako ng gawaan ng balut o penoy.â€
Napangiti si Tanggol. Mahusay sa negosyo si Jinky. Matalino. Yayaman ang baÂbaing ito.
“Ano sa palagay mo Tanggol?â€
“Tama po ang naiisip mo, Mam. Mahusay pong ideya.’’
“Salamat, Tanggol.’’
Maya-maya ay nakadama ng alinsangan si Jinky.
“Gusto kong maligo, Tanggol.’’
Natigilan si Tanggol. Ito na yata ang kinatatakutan niya. Baka magkabukingan na.
“Sige po. Ikaw po ang bahala.â€
Sinimulang alisin ni Jinky ang butones ng jacket.
“Puwedeng dun ka muna sa lilim ng banaba, Tanggol? Sandali lang ako sa paliligo. Napaka-init kasi…’’
“Opo. Pupunta na po ako sa punong banaba.â€
“Sige Tanggol. Saglit lang ako.â€
Nagsimulang maghubad si Jinky.
Nagtungo naman sa punong banaba si Tanggol. Doon siya maghihintay habang naliligo si Jinky.
(Itutuloy)
- Latest