NAG-IISIP si Jinky kung sino ang nakakamukha ni Tanggol. Pero hindi niya maisip kung sino. O baka naman nagkakamali lang siya. Baka ang naiisip niya ay ang artistang si Piolo Pascual na gumanap sa isang pelikula na mahaba rin ang buhok. Baka nga! Kahawig ni Piolo si Tanggol.
“Mam Jinky, nailagay ko na po ang mga itlog. Saan ko po ilalagay ang mga ito?â€
“Dalhin mo sa kubo n’yo. Kapag nagsasawa na kayo sa karne o isda, puwede n’yong iulam ni Mulong ‘yan. Huwag nga lang ninyong dadamihan at baka magpururot kayo…â€
Bahagyang napaumis si Tanggol. Hindi niya nilakihan ang pag-umis at baka mahalata siya ni Jinky. Siyempre, tanda ni Jinky ang pag-umis o pagngiti niya. Kailangang maging matipid siya sa pag-umis.
“O bakit napa-umis ka, Tanggol. Siguro nga nagpururot ka noong narito ako noon kaya ang tagal mo sa banyo ano?â€
Tinakpan ni Tanggol ang kanyang mukha ng mga hibla ng kanyang buhok para hindi siya mahalata ni Jinky. Magsisinungaling na siya para hindi mahalata ang tungkol sa pagiging matagal sa banyo. Paninindigan na niya na nagpupurorot siya.
“Opo Mam Jinky. Naparami po ang kain ko ng itlog na nilaga. Kasi’y noon lang ako nakakain ng itlog ng itik. Masarap pala. Naka-limang itlog po ako. Hard boiled po. Nakakapurorot nga pala.’’
Napangiti si Jinky. Pero mamaya-maya ay nagseryoso.
“Noon ka lang nakakain ng itlog, Tanggol?â€
“Opo.â€
“Imposible naman. Bakit?â€
“Wala pong itlog ng itik sa amin. Pawang itlog ng manok lang.’’
“Talaga? Saan ba ang sa inyo?â€
“Sa isang barangay po sa Pinamalayan.â€
“Dayo ka lang pala rito.â€
“Opo.â€
Pinagmasdan siya ni Jinky. Hindi naman tumitingin si Tanggol. Sana ay huwag nang magtatanong ng kung anu- ano pa at baka magkandabulol siya sa pagsagot.
“Paano ka napadpad dito sa amin?â€
“E dahil po kay Mulong. Kaibigan ko po si Mulong.â€
“Paano kayo naging magkaibigan?â€
Napalunok si Tanggol.
“E dahil po naging estud-yante ako ni Mulong sa kan-yang karate at arnis school.â€
“Talaga? Mahusay pala talaga kayo sa martial arts.’’
“Hindi naman po gaano.â€
“E may pamilya ka na ba, Tanggol?â€
(Itutuloy)