MASKI ang mga doctor sa Easterton, England ay hindi makapaniwala sa nangyari kay Carol Brothers na 45 minutong tumigil ang pagtibok ng puso pero nakarekober at ngayon ay parang walang anuman ang nangyari. Magaling na magaling na ang 63-anyos na babae at hindi malilimutan ang pangyayari.
Nag-collapsed si Carol habang nasa labas ng kanyang bahay. Inatake siya sa puso. Agad na tumawag ng ambulansiya ang mga kaanak ni Carol atg isinugod sa hospital. Habang nasa ambulansiya, nire-revive si Carol ng paramedics.
Nang makarating sa ospital, walang tigil ang pag-resuscitate. Pero walang signs si Carol. Gusto nang sumuko ng mga doctor sapagkat walang palatandaan na babalik ang pulso ni Carol. Wala na rin kasing brain activity ito.
Pero ipinagpatuloy ang pag-resuscitate at makalipas ang 45-minuto, nagmulat ang mga mata ni Carol. Ganoon na lamang ang kasiyahang nadama ng mga kaanak ni Carol. Akala nila, tuluyan na silang iiwan ni Carol.
Maski si Carol ay hindi makapaniwala na namatay siya sa loob ng 45 minutes’