KAUSAP ni Jinky si Tina at nagtataka naman si Tanggol na noon ay nakasilip sa butas ng dingding. Hindi niya alam kung sino ang kausap ni Jinky.
Nang muli niyang tingnan si Jinky, nagpapaalam na ito kay Mulong. Mukhang nainip na si Jinky.
“Magpapaalam na ako Mulong. Babalik ako sa bahay dahil nalimutan ko ang mga bag na paglalagyan ko ng pinamili.’’
“Sige po Mam Jinky.â€
“Sabihin mo sa kasamahan mong si Tanggol na babalik na lang ako sa isang araw. Gusto ko naman siyang makita at maipaabot ang aking paÂngungumusta.â€
“Sige po Mam. Sasabihin ko po kay Sir D… este Tanggol pala na dumating ka…’’
“Lagi kang nagkakaÂmali sa pagtawag kay Tanggol. Akala ko ba ay matagal na kayong magkasama?â€
“Opo Mam. Kinakabahan lang po Mam. Kasi’y nahihiya ako sa’yo dahil ang tagal ni Tanggol sa banyo…’’
“Ah okey lang yun. At saka wala akong magagawa kung nagpupururot si Tanggol. Di ba sabi mo e naÂsobrahan sa itlog ng itik…â€
“Opo Mam. Marami pong nakain na nilagang itlog.’’
“Sige Mulong, nice to meet you.â€
“Salamat po Mam. Ingat ka po.â€
Umalis na si Jinky. Mabilis na naglakad pabalik sa kanyang bahay para kunin ang mga bag.
Nang mawala sa paniÂngin si Mam, nagmamaÂdaling pumasok sa bahay si Mulong.
“Kinabahan ako Tanggol. Akala ko maghihintay si Mam Jinky. Mabuti tinawagan ni Tina. Kung hindi, hihintayin ka. Sinabi ko kasi na nasa banyo ka at nagpupururot.’’
Nagtawa si Tanggol.
“Maaasahan ka talaga, Mulong. Ang husay mong magsinungaling.â€
“Pero babalik daw siya dahil gusto kang makita at makilala.’’
“Kailangan siguro ay magpatubo ako ng balbas at bigote, Mulong para hindi niya ako makilala.’’
“Mabuti pa nga. Huwag ka nang mag-ahit mula ngayon.â€
“Mabilis namang tumubo ang bigote ko at balbas. Mas maganda kung mahaba ang balbas ko at bigote para hindi ako makilala ni Jinky.â€
“Pero napakaganda pala at napaka-sexy sa malapitan ni Mam. MaÂmula-mula ang kutis.’’
“Nakakagigil ano Mulong? Kaya nga naiisip ko, huwag nang magbalatkayo at lumantad na.â€
Nagtawa lang si MulongÂ.
“Ituloy mo na Tanggol. Nasimulan mo na e.â€
(Itutuloy)