Summer activities

“Hi Wannabet!  Tulungan mo naman ako kung papaano aaliwin ang aking tatlong taong gulang na anak. Bakasyon na kasi at di ko alam kung papaano siya lilibangin. Medyo tight kasi ang budget ko ngayon kaya hindi ko siya ma-enroll sa summer class sa school nila o kahit anong ibang activitiy. Nasa bahay lang kami sa condo at wala namang malaking espasyo rito para takbuhan niya. Ano bang pwedeng gawin naming mag-ina na mura pero makabuluhan? Salamat. —Mommy Dolly.”

Kung may isang bagay na natutunan ako sa mga bata dahil sa anak ko, iyon ay ang kanilang pagiging creative at resourceful dahil kaya nilang gawing laruan ang mga ordinaryong, pang-araw araw na mga kagamitan. At maligaya silang nilalaro ang mga ito. Kahit anong gawain basta gawin mo lang kasama nila ay ma-eenjoy nila. Ang mga bata kasi ay mga sponge na maituturing. Uhaw sila sa kaalaman at mahilig silang manggaya sa edad na ito. Kaya kunwari ay may hilig ka tulad ng pagluluto, isama mo siya, i-involve mo siya kahit sa pagpeprepara o pamimili. Lagi siyang kausapin at mistulang itinuturo mo sa kanya kung anong ginagawa mo, mala-cooking show, bon-ding na iyon. Activity na.

Hindi mo rin kailangang lumabas o lumayo pa dahil sa bahay ay maraming maaaring pagkaabalahan. Sinabi ko na nga ang pangungusina. Subukan mo rin ang pagbabasa. Basahan ang bata ng children’s books o kaya kahit ng encyclopedia pambata lalo na yaong may mga facts. Ang ginagawa namin ngayon kay Gummy ay lagi naming binabasahan at tinuturuan ng mga imbentor at mga pangulo. Tinuruan siya ni Mama ng unang pangulo ng Amerika (George Washington), ng Pilipinas (Emilio Aguinaldo); at imbentor ng eroplano (Wright Brothers) at telepono (Alexander Graham Bell).  Kami naman ang bonding namin ay ang pagbabasa ng Baby Bible. Naituro ko na sa kanya ang matandang gumawa ng malaking bangka,  si Noah at maging ang kauna-unahang babae at lalaki na sila Eba at Adan. Actually kahit hindi ka bumili ng aklat, kung ano lang ang mayroon ka sa bahay. Pwede ka ring magresearch sa Google ng mga trivias. Mga maiikli na paisa-isa mong maaaring ituro sa iyong anak. Puwedeng mga planeta, mga hayop etc. Huwag isiping masyadong advance     ang anuman para sa mga bata.

Nabanggit mo ring sa isang condominium kayo na­katira. Marahil naman ay mayroon yang park o kaya ay swimming pool. Bakit hindi kayo mag-ehersisyo sa park? Maghabulan o samahan lang siya na mag-slide o mag-swing at see-saw? Matapos ay mag-swimming kayo sa pool. Walang bayad iyan dahil nasa tirahan mo na.  Kung sa Quezon City naman kayo nakatira, puwede kayong mag­lakad-lakad sa UP Oval at magtakbuhan o sipaang bola sa Sunken Garden o kaya sa Circle. Isa pang murang gawain ay ang paggawa ng art. Kailangan mo lang ay gunting, pandikit at makukulay na papel. Pwedeng bumili ka ng construction paper sa bookstore o kaya ay kahit mga lumang magazines.

Hindi kailangang gumastos upang malibang.  Ang gro­ cery o palengke ay puwede ng pasyalan. Ang bahay, isang play ground, ang banyo isang maliit na swimming pool. Tandaan, ang mahalaga sa mga bata ay ang iyong oras at presensiya. Kahit saan pa kayo basta magkasama kayo ay isang adventure na para sa kanila.

Show comments