Biyaya ng Diyos

Sa buhay ng tao’y lubhang mahalaga

Ang hangin at ulang sa ati’y biyaya;

Biyaya ng Diyos laging magkasama

Kung sila ay wala tao’y bale-wala!

 

Ang ulan at hangin kapag dumarating

Nagiging luntian ang mga pananim;

Ang tubig sa dagat ay taboy ng hangin

Kaya mga isda’y nahuhuli natin!

 

Ang hangin at ulan ay nagiging bagyo

Kapag malakas na’y umiiwas tayo;

Mga dukhang bahay at tahanang bato

Sa hampas ng hangi’y bumabagsak ito!

 

Paglipas ng ulan at hanging malakas

Winasak ng bagyo’y itatayo agad;

Malinis na hangin ating malalanghap –

Biyaya ng Diyos muling malalanghap!

Show comments