Impeksiyon sa kuko at katawan
KUNG ikaw ay nagkaroon na ng impeksiyon sa kuko ng iyong kamay o paa, alam n’yo na napakahirap itong gumaling.
Ang tawag sa sakit na ito ay Paronychia. Kasama rito ang pangkaraniwang ingrown na kuko (ingrown toenail) at iba pang impeksiyon at pamumula sa tabi ng ating kuko. Namamaga ang balat at masakit ito kapag dinidiinan.
Paano nag-uumpisa ang impeksyon? Sa una ay nagkaroon ng maliit na sugat sa tabi ng kuko. Madalas magsimula ang sugat sa pagputol ng kuko, pag-manicure, o paghila natin sa balat na nasa tabi ng kuko. Minsan naman ay naipit sa masikip na sapatos o natapakan ang ating daliri.
Kapag ito’y napabayaan, posibleng makapasok ang bacteria sa loob ng balat at magdulot ng impeksiyon. Mahirap itong gamutin.
Povidone iodine o Betadine:
Nagpapasalamat ako kay Dr. Ramon Estrada at Dr. Ric Naval ng Manila Doctors Hospital sa pagturo ng sikreto sa paggamot nito. Sundin ang paraang ito:
1. Kung saan may pamumula o impeksiyon (madalas ito sa malaking daliri ng paa), maglagay ng maliit na bulak sa pagitan ng kuko at balat.
2. Patakan ang bulak ng Povidone Iodine (o Betadine) para mabasa ito.
3. Balutin ang daliri ng band-aid para hindi matanggal ang bulak. Ang gusto nating mangyari ay manuot ang katas ng Povidone iodine sa loob mismo ng ating balat. Dahil sobrang bisa ang Povidone iodine laban sa mikrobyo, siguradong masusugpo ang impeksiyon kapag naabot ito ng Povidone iodine.
4. Pagkaraan ng ilang oras ay matutuyo na ang Povidone iodine. Puwedeng patakan ulit ng Povidone iodine ang bulak para manatiling basa ito.
5. Palitan ang band-aid at bulak sa umaga at sa gabi. Puwedeng mas madalas kung gusto niyo.
6. Gawin ito sa loob ng 7-10 araw. Huwag titigilan ang paglalagay ng Povidone iodine hanggang sa manumbalik sa normal ang iyong daliri.
7. Kung medyo malaki ang imÂpeksiyon, puwede ka ring uminom ng antibiotic tulad ng Amoxycillin 500 mg capsule, 1 kapsula 3 beses sa maghapon sa loob ng isang linggo.
8. Ang isang side effect lang ng Povidone iodine ay ang pangiÂngitim ng iyong balat. Okay lang iyan dahil sa katagalan ay babalik din sa normal na kulay.
9. Kumunsulta rin sa inyong doktor tungkol dito. Pero aamiÂnin kong kaunti lang na doktor ang may alam ng paraang ito. Salamat kay Dr. Ramon Estrada sa pagdiskubre nito!
- Latest