Lampong (256)
NAKAHANDA sina Tanggol at Mulong sa anumang mangyayari sa gabing iyon. Nakakubli sila sa malaking haligi di-kalayuan sa mga itik. Mula roon, makikita nila kung may mga taong papasok sa gate. Sinadya nilang huwag itali ang pinto ng tarangkahan.
Pero sumapit ang alas- dose ng hatinggabi ay wala silang natatanaw na taong papasok o kaya’y umaaligid sa kulungan. May mga ilaw sa paligid ng kulungan ng mga itik. Mga ilawang de-gas na nakalagay sa mga biyas ng kawayan at nakatusok sa lupa. Hindi namamatay ang sindi sapagkat may tabing ang biyas.
“Wala ka bang naririnig na kaluskos o ingay kaya, Mulong?â€
“Wala naman Tanggol.â€
“Natunugan kaya tayo?â€
“Posible, Tanggol.â€
“Baka may nakapag-espiya at nalamang may nagbabantay na sa mga itik.â€
“Maghihintay pa tayo. Kadalasang ang mga magnaÂnakaw ay sumasalakay sa pagitan ng alas-dos at alas-tres ng madaling-araw. ’Yan daw kasi ang himbing na himbing ang pagtulog.â€
“Sige Tanggol, maghintay pa tayo.â€
Pero inabot sila ng alas- kuwatro ng madaling-araw ay wala silang namataang magnanakaw. Hanggang mag-alas- singko at ganap na sumikat ang araw.
“Palagay ko, naamoy na may bantay na ang itikan kaya wala tayong nakita, Mulong.â€
“Baka mamayang gabi sila sumalakay, Tanggol.’’
“Magbabantay uli tayo.â€
“Sige.â€
Nagpapahinga ang daÂlawa dakong alas-diyes ng umaga nang may maramdamang mga yabag sa labas ng bahay-kubo si Mulong. Nang silipin niya sa bintana, nakita niya si Mam Jinky.
“Paparating si Mam Jinky, Tanggol!â€
Bumangon si Tanggol at dumungaw sa bintana. Si Jinky nga!
(Itutuloy)
- Latest