PAMILYAR na ang marami sa pagkuha ng blood pressure (BP). Kung dati-rati ay mga doctor at nurses lamang ang karaniwang kumukuha nito, kaiba na ngayon. Marami na kaÂsing miyembro ng pamilya ang naturuang kumuha ng tamang blood pressure kahit na wala silang medical background. Maigi namang development ito sapagkat mas nagiging mahigpit ang control natin sa ating BP. Mahalaga ito lalo na kung kumpirmadong hypertensive (may alta presyon) na ang isang tao.
Sphygmomanometer ang tawag natin sa aparatong ginagamit natin sa pagkuha ng blood pressure. May tatlong anyo ito: may klaseng “mercurial†sphygmomanometer (ito ’yung klase na nabubuksan at naitatayo; kitang-kita nating umaakyat ang mercury kapag binoÂbomba ang aparato), may klaseng “aneroid†sphygmomanometer (ito naman ’yung isinasabit sa braso; pansining kahanay ng puso ang aparato), at ang “digital†sphygmomanometer (kayang ikabit kahit mag-isa lamang; de-baterya). Sa lahat ng klaseng ito, ang “mercurial sphygmomanometer†ang sinasabing pinaka-accurate.
Upang makatiyak na accurate ang pagsukat ng ating BP, tandaan ang sumusunod:
ï¬ï€ Huwag sukatin ang inyong BP kapag pagod pa o katatapos lamang maglakad o magtrabaho. Maupo at magpahinga sa loob ng 5 minuto bago kunin ang inyong BP. Kung lalampas pa ng 5 minuto ang pamamahinga, ok lang din.
ï¬ï€ Huwag agad-agad susukatin ang inyong BP hustong pagÂgising sa umaga. Hintayin munang maging aktibo sa loob ng isang oras o higit pa.
ï¬ï€ Kung binabalak mag-ehersisyo, huwag gawin ang pagkuha ng BP matapos mapagod sa pag-eehersisyo. Kunin ang BP bago magsimulang mag-ehersisyo.
ï¬ï€ Huwag magtaka kung bakit iba-iba ang reading ng inyong BP sa buong maghapon. Ito ay sapagkat sadyang nagpapabagu-bago ang ating BP. Normal na proseso ’yun ng ating katawan.
ï¬ï€ Mapapansin na medyo mas mataas ang BP reading sa umaga kumpara sa dakong hapon o gabi. Iwasang magpakuha ng BP sa umaga.
ï¬ï€ Ikabit nang buong-ingat ang sphygmomanometer cuff sa braso. Huwag masyadong mahigpit, huwag naman masyadong maluwag. Puwedeng tumaas ang BP reading sa higpit nang pagkakakabit ng naturang “cuff.â€
ï¬ï€ Naaapektuhan ng ating mood ang ating BP reading. Kung malungkot o kung naging “toxic†sa buong maghapon, asahan lamang na posibleng tumaas ang BP. Kung masaya ang dispoÂsisyon sa buhay, hindi apektado ang BP.
ï¬ï€ Umihi muna bago magpa-BP. Kapag puno ang ating pantog, natural lang na medyo mataas ang ating BP reading.
ï¬ï€ Kung katatapos lamang kumain, maghintay muna ng 30 minuto bago magpa-BP. Ganun din ang gawin kung katatapos manigarilyo o uminom ng alak.
ï¬ï€ Mag-ingat ng isang maliit na notebook at doon ilista ang nakukuhang BP reading. Ipakita sa doctor ang notebook upang makita ang trend ng iyong BP.