ANG unang sugat ang pinakalalim… Ganito sinalarawan ni ‘Che’ ang sakit na dinulot ni ‘Sonny’… ang kanyang unang pag-ibig. Parehong third year hayskul nun si Cheryl Carlos o ‘Che’ at Sonny Carlos sa Marikina City. Maliban sa magkaklase, magkalapit ang kanilang bahay kaya naman mula sa simpleng ‘crush’ naging sila sa batang edad. Pagtuntong ng kolehiyo, nagkahiwalay ng eskewelahan sila Che. Sa Philippines School of Business Administration nagtapos si Che ng Accountancy. Graduate naman si Sonny sa Polytechnic University of the PhilipÂpines ng Business Administration. Naging manager si Sonny sa iba’t ibang fast food chains. Accountant naman si Che. Gumanda ang trabaho ni Sonny, naging Registration Officer siya sa Marikina City Hall. Kasal na lang daw ang kulang kaya taong 2004, ika-18 ng Disyembre, ikinasal sila. Umupa sila ng bahay sa Marikina. Taong 2006, bigla na lang dinugo si Che, sinabi ng Doctor na nangangapal ang kanyang matres at mahihirapan silang magkaaanak. Taong 2007, muling nagpatingin ang mag-asawa sa OB/GYN-Infertility, nalaman umanong mababa ang sperm count ni Sonny. Taong 2008, huminto sa trabaho si Che, nagdesisyon kasi silang magnegosyo ng ‘shuttle service’. Pagkagaling sa trabaho, kung dati tatanggalin ni Sonny ang kanilang ‘wedding ring’, ’di na niya ito nakikita sa daliri ng mister. Kapag tatanungin niya kung nasaan ang singsing, “Nasa bag ko love!†sagot daw nito. Napansin din daw niyang parating bago ang salamin ni Sonny. Unti-unting nanlamig ang mister. Nagsimulang magtanong si Che, “Meron ka na bang iba? Ayaw mo na ba sa akin?â€. Sagot ng mister, “Wala!â€. Ika-6 ng Setyembre 2008, pinakialalaman ni Che ang cellphone ng asawa, nabasa niya ang isang text mula sa sender na si ‘Doc Honey Co’, “Nakakainis galing ako skul ni Boy, ayaw ibigay ang card. Papasok na ako I love you!†Mabilis niyang kinuha ang number ni Doc Honey Co at tinext gamit ang kanyang cellphone, “C Sonny 2, d2 k n txt, bgo q 2ng no.†Nakalahalata daw ang kanyang katext. Kaya’t nagpakilala na si Che. “Asawa 2 ni Sonny, d ko kasi nagustuhan ang txt mo. Ba’t my I love you?!†Paliwanag ng texter, sa asawa niya daw ito, ‘wrong sent’ lang. Tinanong ni Che kung Doc Honey Co ba talaga ang pangalan niya. Mabilis na reply sa kanya, “Oo, Honey first name, Co last name!†Nagalit ang mister ng malamang tinext niya ito, “Bakit mo tinext nakakahiya. Kaibigang Doctor yun ng boss ko. Matanda na yun…naman!†anya daw ni Sonny. Hindi dito natapos ang pagtatalo ng mag-asawa. Umabot din sa puntong naglayas na si Che sa apartment. Kundi pa daw siya pinakiusapan ng ina ni Che na siya’y sunduin. ‘Di daw magpapakita si Sonny. Nobyembre 2-5 2008, nagpaalam si Sonny na attend sa isang seminar. Si Che pa ang nag-impake ng kanyang mga gamit. Habang wala ang mister, nagdesisyon si Che na magtrabahong muli. Maswerte siyang nakapasok bilang book keeper / cashier sa isang kooperatiba. Binalita niya sa mister ang bagong trabaho. “Love, hindi ba tayo lalabas? Saan ba tayo magkikita?†tanong nito. Sinabi ni Sonny, na tatawag na lang siya dahil uuwi pa ito para ibaba ang mga gamit at magbihis. Pumatak na ang alas nuwebe ng gabi… wala pa si Sonny. Maya-maya nag-ring ang telepono… mabilis itong sinagot ni Che. “Anak… punta ka sa bahay!†sambit ng ina ni Che na si Elena. “Hindi pwede ma… ipaglalaba ko pa ang maruming damit ni Sonny... parating na yun,†sagot ni Che. Pagpatak ng alas dose ng hating gabi nakatanggap na lang siya ng text gaÂling sa asawa, “I’m sorry, I love you! Yung letter na pinadala ko sa’yo… will explain everything!†Kinutuban na si Che sinubukan niyang tawagan si Sonny subalit naka-off na ang CP nito. Hindi alam ni Che ang gagawin kaya’t umuwi siya ng kanilang bahay. Bandang alas tres ng umaga nag-ring ang kanilang telepono. Nagulat siya ng mag-hello ang kanyang ama. “Oh papa… di ba nandito ka sa bahay?†Nalaman niyang inatake ng high blood ang ina matapos mabasa ang sulat galing kay Sonny. “Asan ang sulat? Pa, akin na ang sulat!†pakiusap ni Che. Hindi sa kanya binigay ang sulat…nagwala si Che… tumaas din ang dugo at nauwi sa E.R kasama ang ina. Buwan ang dumaan bago mabasa ni Che ang sulat ni Sonny na isa lang ang pinararating, “Ayoko na…Sawa na ako!†Sinubukang ayusin ni Che ang kanilang relasyon, kahit ‘di na nagsasama lumalabas pa rin sila. Isang taong tumagal ang ganitong sistema, hangang isang araw nagtanong muli si Che, “Ano ba tayo?!†Dito na daw umamin si Sonny, Enero 2010, may anak na umano siya sa iba… sa isang nagngangalang “Grace†daw. Kaibigan niya itong ‘optometrist’ na gumagawa ng salamin. Bumalik sa ala-ala ni Che ang Doc Honey Co na nagtext nun kay Sonny.“Si Grace ba at si Doc Honey Co, iisang tao lang?†tanong niya. Nanghina si Che ng aminin daw ni Sonny na si Doc Honey rin si Grace.“Sige okay lang sa akin, Basta sa akin ka uuwi,†pakiusap pa ni Che. Humingi ng panahon si Sonny para makapag-desisyon. Dalawang taon daw naghintay si Che subalit sa huli nadinig niyang, “Wala ka nang aasahan!†Ito na ang huling pag-uusap ng dalawa. Wala ng balita si Che sa asawa maliban sa nagsasama na umano sila ni Grace. Walang ibang maisip na paraan si Che para turuan ng leksyon itong si Sonny kundi ang kasuhan siya. Itinampok namin siya CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN). Inirefer namin siya sa Integrated Bar of the Philippines kay Atty. Joe Cabrera para asistehan siyang magsampa ng kaukulang kaso. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, nitong nakaraang buwan, binalita sa amin ni Che na nagkausap sila ng asawa buwan ng Pebrero. Nagkaroon ng kumprontasyon at sa dulo-dulo pinakiusapan daw siya at humingi ng tawad. Si Cheryl naman para magkaroon ng ‘closure’ ang kanilang relasyon, nadesisyunan niyang ‘wag ng palakihin pa. Ang kanyang ligal na hakbang ay magsasampa na lang siya ng kasong ‘annulment’ upang siya na ang magparaya para magkaroon ng kalayaan ang kanyang asawa na hanapin ang kanyang tunay na kaligayahan at siya naman ay maka-‘move on’.
PARA SA IBA PANG BALITAÂRANG MODERNO para sa lahat ng pier sa buong bansa para mapabilis at mas maging organisado ang kalakalan. May katwiran si kaibigang Jack Enrile sa panawagan niyang ito sa gobyerno. Nung mabasa namin ni Jack ang lumabas na ulat sa Global Competitiveness on Port Infrastructure Quality, pang-120 lang ang Pilipinas mula sa 144 na mga bansang kasama sa survey. Lumalabas na kulelat tayo mula sa mga hanay ng mga bansa sa Asia. Dapat naman na pang-world class ang kalidad ng mga pier natin lalo pa’t isang bansa tayong binubuo ng 7,100 na mga isla (archipelagic). Sang-ayon ako kay Jack na pagtuunan ng pansin ito, dahil totoong daan ito tungo sa isang maunlad na kalakalan sa buong kapuluan. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Ang aming numero 09213784392 (Pauline)/09213263166(Chen)/09198972854(Monique). Landline 6387285 at 24/7 7104038.Address: 5TH floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City.