Selyo sa Belgium may chocolate flavor

MASARAP nang dilaan ang mga inisyung selyo ng Belgian Post Office sapagkat may chocolate flavour. Nalalanghap umano ang tsokolate sa mga selyo.

Ang mga sel-yong inisyu noong Easter Sunday ang pinaka-bongga sapagkat malalasahan ang tamis ng chocolate kapag dinilaan. Nasa kalaha­ting milyon ang inis­ yung selyo na may choco flavour.

Ang susunod uma­nong iisyung selyo ng Belgian Post Office ay yung kumikislap sa dilim para sa road safety.

• • • • • •

Ang 2 pinaka-maruming pera sa Europe

ANG Danish krona at Swedish   kroner ang pinaka-maruming pera sa Europe ayon sa pag-aaral ng Oxford University. Napakarami umanong bacteria ang dalawang pera.

Ang average na bacteria na nakikita o taglay ng European money ay 26,000. Ayon sa pag-aaral, Den­mark krona ay may 40,266 bacteria at Swedish kroner ay 39,600.

Ang pinaka-malinis namang pera sa Europe ay ang Euro na may ave­rage na 11,066 bacteria.

Show comments