^

Punto Mo

Kampanya ng PNP sa illegal gambling hindi na mapipigil

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NAKATAKAS ang gambling lord na si Rolando Bustria, alyas Rolan, nang salakayin ng CIDG agents ang kanyang bahay noong Miyerkules Santo sa LE Village 5, Poblacion, Calamba City. Subalit naaresto naman ang asawa niyang si Violeta at nakumpiska ang P198,170 bet money at bundles na lastillas ng kanilang STL bookies at isang Daewoo 9mm caliber pistol. Ang raiders ay pinangunahan ni Chief Insp. Armie Agbuya, hepe ng Laguna CIDG at armado sila ng search warrant na pirmado ni Judge Cynthia Ricablanca, ng Sta. Cruz regional trial court (RTC). Ang isinagawang raid ay na-witness ng limang barangay officials ng naturang lugar. Sa araw din na yaon, limang video karera machines ang nakumpiska naman ng Intelligence Group (IG) sa parte ng Tondo sa Manila. Mukhang hindi na mapigilan ang CIDG at IG para linisin ang bansa sa illegal gambling ah, ano sa tingin n’yo mga kosa?

Umaabot na pala sa 221 katao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) magmula nang umpisahan nila ang kampanya laban sa ilegal gambling noong Feb. 28. Aabot din sa  humigit-kumulang P500,000 ang nakumpiskang ebidensya sa mga na raid na pasugalan tulad ng ‘‘jueteng’’, STL bookies, horse-racing, ‘‘lotteng’’ cara y cruz, color games, drop ball, jai-alai, suertres, Last 2 at Pick 3. Ayon kay Dir. Cipriano Querol Jr., head ng PNP Directorate for Intelligence (DI) ang lahat nang raid ay ‘‘intelligence driven.’’ Kahit matagumpay na ang PNP sa kanilang illegal gambling campaign, patuloy pa rin ang pagkalap ng CIDG at IG ng intelligence report para mapuksa pa ang pasugalan sa bansa. Get’s n’yo mga kosa?

Kung sabagay, mayroon nang PNP Task Force anti-illegal gambling na pinamumunuan ng mga regional directors sa bansa. At ang operating arm nila ay ang mga police provincial office (PPO), City Police Offices (CPO), at ang mga municipal police stations. Napuwersang gamitin ng liderato ng PNP ang CIDG at IG dahil walang ginagawa ang PNP Task Force Anti-Illegal gambling sa lahat ng sulok ng bansa kahit meron pa silang ‘‘one strike’’ policy.

Sa kabuuan, halos 38 operations na ang isinagawa ng CIDG at IG mula Feb. 28 at 14 dito ay sa area of responsibility ng NCRPO sa Metro Manila. Sa report na natanggap ni Querol, aabot sa 11  operations naman ang isinagawa sa    PRO4-A, 4 each sa Regions 6,8,10 at 13; two each sa Regions 1, 11, at 12 at isa sa mga Regions 3 at 7. Umabot din sa 10 police officials ang na-relieve na sa kanilang mga puwesto dahil hindi sila kumikilos laban sa illegal gambling. Ang mga pulis units na hindi gumagalaw laban sa illegal gambling ay patong sa mga gambling lords, ani Querol. Hindi magtatapos sa pag-raid sa puwesto ni Bustria sa Calamba, Laguna ang anti-illegal gambling campaign ng PNP at tinitiyak ni Querol na marami pa ang masasagasaan.

May karugtong!

ARMIE AGBUYA

CALAMBA CITY

CHIEF INSP

CIPRIANO QUEROL JR.

CITY POLICE OFFICES

FEB

GAMBLING

QUEROL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with