ISANG araw, nagpahayag ang hari na magbibigay siya ng pabuya sa sinumang makakakuha ng nawawalang diyamanteng kwintas ng kanyang anak na prinsesa. Ito raw ay nawala habang namamasyal ang prinsesa sa tabi ng ilog na nasa likod ng palasyo. Ang premyo sa makakapagbalik ng kuwintas ay $100,000. Marami ang nagkainteres na maghanap at isa na doon si Alfred na nangangailangan ng pera dahil nakatakdang operahan ang kanyang inang maysakit sa puso.
Nagpunta si Alfred sa ilog na sinabing huling pinasyalan ng prinsesa at pinaghihinalaang lugar kung saan nahulog daw ang kuwintas. Aba, ang suwerte nga naman, hindi nagtagal si Alfred sa paghahanap ay agad niyang nakita ang kuwintas sa ilalim ng ilog. Malinaw kasi ang tubig kaya nakita niya ito. Dali-dali siyang lumusong sa ilog at sinisid ang kuwintas. Ngunit sa pagtataka niya, wala siyang nakitang kuwintas.
Umahon si Alfred at saglit na nagpahinga sa ilalim ng puno sa tabi ng ilog. Pinag-iisipan niya kung anong strategy ang gagawin upang mahanap ang kuwintas. Hindi siya aalis hangga’t hindi niya napapasakamay ang kuwintas. Kailangan niya ang pera, kailangang maoperahan ang kanyang ina. Dahil sa desperasyon, napaluhod si Alfred at tumingala sa langit upang hingin ang tulong ng Diyos.
“Diyos ko, ituro mo po sa akin kung nasaaan ang kuwintas para ako na lang po ang tumanggap ng pabuya ng hari.â€
Matagal siyang nakatingala nang biglang napapikit ang kanyang mata. Repleksiyon ng sinag ng araw ang tumama sa kanyang mata. Nang magmulat ay naaninag niyang may kuwintas na nakasabit sa sanga ng puno na nakayungyong sa tapat ng ilog. Sa mga bato ng kuwintas nagmula ang sinag na nakakasilaw. Umakyat siya sa puno at napagtantong diyamante ang mga bato sa kuwintas. Tiyak na iyon ang kuwintas ng prinsesa. Ngunit paano iyon napapunta sa itaas ng sanga? Ibon kaya ang nagdala ng kuwintas sa puno? Posible, dahil may pugad at inakay malapit sa kinalalagyan ng kuwintas. Napagkamalan siguro itong pagkain. Pero bago mailagay sa pugad, ito ay nabitawan ng tuka ng ibon at sumabit sa sanga kung saan niya ito nakita. Basta, nagpapasalamat siya sa Diyos. Repleksiyon lang ng kuwintas ang nakita niya sa ilog kanina.
“When everything seems impossible, God can make it possible, if we only believe.â€